Jodi Sta. Maria at Jolo Revilla, magdyowa na?!

ADVERTISING

Jodi Sta. Maria at Jolo Revilla, magdyowa na?!

Jodi Sta. Maria at Jolo Revilla, magdyowa na?!

FEELING BIG star na ba itong si Paulo Avelino o ang manager niyang si Leo Dominguez?

Aba, narinig ba naman namin na his camp is demanding top billing sa Bona, ang theater production ng award-winning movie ni Nora Aunor na pagbibidahan sa teatro ni Eugene Domingo.

Ang gusto raw ng kampo ni Paulo ay una ang name niya sa billing over Eugene Domingo kahit na support lang naman siya roon. Role na dating ginampanan ni Phillip Salvador na isang bit player ang papel ni Paulo. Ang ka-alternate niya sa nasabing role ay si Edgar Allan Guzman na walang kaere-ere kahit na magaling na actor.

ADVERTISING

Sino kaya kina Paulo Avelino at Leo Dominguez ang nagde-demand ng top billing? Feeling namin ay si Leo.

 

TRUE BA na magdyowa na sina Jolo Revilla at Jodi Sta. Maria?

Malakas ang bulung-bulungan sa showbiz na tanggap naman ng actor ang katotohanang may anak na ang aktres sa kanyang dating asawa. In fact, mahal na mahal nga ng actor ang aktres at ganoon din naman daw si Jodi sa anak ni Jolo.

Kaya lang, tila hindi pa sila handang umamin sa kanilang relasyon kahit na ang dating asawa ng aktres ay mayroon na ring ibang dyowa.

Hindi rin nagpapainterbyu si Jodi tungkol sa mga akusasyon ni Iwa Moto sa kanya.

 

TALAGA PALANG nagkabalikan na sina Cristine Reyes at Rayver Cruz.

A mole whispered to us that the actor-dancer visits the taping of Cristine and Piolo Pascual’s soap opera, Dahil sa Pag-ibig. Hindi naman daw istorbo si Rayver when he gets to visit his girlfriend-actress.

Jodi Sta. Maria at Jolo Revilla, magdyowa na?!

At ang maganda nga raw, hindi na ngayon masyadong nagbabangayan ang magdyowa. Medyo nabawasan na raw ang lover’s quarrel ng dalawa.

Sabi pa ng aming kausap, wala naman daw tension between Rayver and Piolo kapag nagkikita sila sa taping. Minsan naman daw ay nag-uusap ang dalawa.

Hindi nga ba’t kinausap ni Piolo si Rayver at in-assure ang binata na walang namamagitan sa kanila ni Cristine. Natsitsismis kasi itong si Cristine na nagpi-flirt kay Piolo sa taping nila. Panay raw ang pagpapapansin nito at halata naman daw na ma-tindi ang pagkagusto nito kay Papa P.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING