Jobert Sucaldito, kahit sobrang apektado sa pagkaka-stroke ni Richard Pinlac, balik-trabaho agad para i-promote ang pelikula ng alaga

Jobert Sucaldito, kahit sobrang apektado sa pagkaka-stroke ni Richard Pinlac, balik-trabaho agad para i-promote ang pelikula ng alaga

Jobert Sucaldito
Jobert Sucaldito

Bilang pansamantalang pagtakas muna sa kalungkutan ay balik-trabaho ang kaibigang Jobert Sucaldito sa pagpo-promote na sa wakas ay meron na ring playdate ang ‘ika nga’y binyag sa apoy ng alaga niyang si Michael Pangilinan.

It was Jobert Sucaldito who was with Richard Pinlac Tuesday dawn nang ma-stroke ito na agad naisugod sa ospital. At si Jobert—among all of us along with Cristy—is most affected by it.

For a change, kagalakan naman ang lumukob kay Jobert dahil nahawa na rin sa kanyang excitement sina Michael at Edgar Allan Guzman as their gay-themed movie “Pare, Mahal Mo Raw Ako” (na ipinanlaban ni Michael sa Himig Handog P-Pop Love Songs noong 2014) ay ipalalabas na sa June 8.

In the film written and directed by Joven Tan, pinangatawanan na ni Michael ang pag-arte, this despite the fact na nakilala siya bilang isang singer. He owes it to his “leading man” Edgar Allan, na tulad niya’y naging finalist din ng Your Face Sounds Familiar, na hindi maramot sa pagbibigay ng acting tips, even helping him cope with serious dramatic scenes.

Kabilang sa cast ng PMMRA ay sina Ana Capri, Matt Evans, Joross Gamboa, Nikko Seagal Natividad, Miggy Campbell, at Superstar Nora Aunor bilang ina ni Edgar Allan.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III