Jobert Sucaldito, ibinulgar ang dayaan sa Star Awards

ADVERTISING

Jobert Sucaldito, ibinulgar ang dayaan sa Star Awards

Jobert-SucalditoPASABOG ANG revelations ni Jobert Sucaldito about the recent Star Awards for Movies.

Ang claim ni Jobert, nagkaroon ng dayaan at bayaran sa nakaraang award’s night. He was claiming that he lobbied for his beloved Laguna Governor ER Ejercito to win and contacted 22 PMPC members to vote for his ward.

Interestingly, he revealed na kahit na he already has the numbers dahil 38 lang naman ang voting members ay natalo pa si Governor ER.

As we write this ay wala pang official statement ang PMPC about it pero ang balita ay magpapatawag ng meeting ang president nilang si Fernan de Guzman.

ADVERTISING

So, what to do about Jobert’s revelations? Well, dapat paimbestigahan na ‘yan sa authorities like NBI. Hindi maso-solve ang issue na ‘yan kung hindi papasok ang mga awtoridad.

Sino kaya ang 22 voting members na binayaran ni Jobert para iboto ang alaga niya?

 

STAYING FOR good na pala sa ‘Pinas itong si Tina Paner. In her interview with tita Cristy Fermin sa Cornered by Cristy para sa Showbiz Police, airing Monday to Friday, 4 p.m., TV 5, ay sinagot lahat ni Tina ang mga tanong ng beteranang TV host including the ampon issue.

Grateful si Tina sa nag-ampon sa kanyang si Daisy Romualdez. Nagkuwento rin ang singer-actress sa naging buhay niya sa Spain. Babalik ba sa showbiz si Tina? Abangan ang kanyang sagot sa Showbiz Police.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING