Joaquin Domagoso si Arjo Atayde ang gustong tularan sa showbiz

Leo Bukas

HANGA ang anak ni anak ni Manila Mayor Isko Moreno na si Joaquin Domagoso sa Kapamilya actor na si Arjo Atayde. Napanood ni Joaquin si Arjo sa iWant original series na Bagman at ayon sa binata bumilib talaga siya sa galing sa  galing ni Arjo sa series.

Joaquin Domagoso si Arjo Atayde ang gustong tularan sa showbiz
Joaquin Domagoso

“I consider that a dream role for me,” bulalas ng binata nang huli namin siyang makausap. Inamin din ni Joaquin na pangarap din niyang gumawa ng action film in the future.

Sa Bagman na ang istorya ay tungkol sa corruption at politics ay ginagampanan ni Arjo ang character ni Benjo na isang barbero na gagawin ang lahat para mabigyan ng mas magandang buhay ang kanyang pamilya.

“I want to do an action movie one day. Yung katulad nung Bagman ni Arjo. I like his role there kasi kahit maputi si Arjo in real life and English speaking siya pero sa role niya parang barbero talaga siya, eh. We know in real life that he is rich, pero in the show parang normal siya na bad guy,” sabi pa ni Joaquin.

Joaquin Domagoso si Arjo Atayde ang gustong tularan sa showbiz
Joaquin Domagoso

“I want the role that would challenge me, something like that when it comes to acting,” hirit pa ng anak ni Yorme.

Nagbigay ng reaksyon si Joaquin sa tanong namin kung meron ba siyang conscious effort na ginagawa para makawala sa shadow ng famous niyang ama.

Aniya, “Kasi kung ang focus ko is to get out from the shadow of my dad hindi ko mai-enjoy masyado ang showbiz. The shadow is so big and why should I be afraid being of that shadow, di ba?

“I think if we have dreams and goals like in life you need to push yourself and strives to be better. Hindi dapat iniisip yung pressure na iko-compare ka sa parents mo kasi magkaiba naman kayo,” katwiran niya.

Hindi naman nakikitang karibal o kakompetensya ni Joaquin ang anak ni Sen. Manny Pacquiao na si Jimwel na pinasok na rin ang showbiz.

“Wala, eh. I think competitions in some extent, pero rival, wala akong ganun. Wala pong dapat apakan or whatever and I don’t think na magkakaganun po,” lahad niya.

When asked kung gusto niyang makatrabaho si Jimwel, oo ang sagot ng binata.

“Yeah, of course, why not? I wanna work with Pacquiao’s son,” sabi pa ng binata.
Samantala, bida si Joaquin sa pelikulang Caught In The Act written and directed by Perry Escano.