Joaquin Domagoso ayaw gayahin ang amang si Mayor Isko Moreno: ‘Di ko naman pina-follow yung footsteps niya’

Leo Bukas

BUKOD sa pagiging TV actor sa First Yaya TV series ng GMA-7 ay bida na rin sa isang comedy adventure movie titled Caught In The Act ang anak ni Manila Mayor Isko Moreno na si Joaquin Domagoso. Caught In The Act is written and directed by Perry Escano mula sa MPJ Entertainment  Productions and Golden Brilliance.

Ayon kay Joaquin, hindi niya intensyon talaga na sundan ang yapak ng kanyang tatay. Si Mayor Isko ay nagsimula bilang artista bago naging isang public servant.

Joaquin Domagoso

“Di ko naman pina-follow yung footsteps niya,” sabi ni Joaquin. “I just want to enter showbiz before pa kasi na-realize ko na medyo bibo talaga yung attitude ko and medyo makulit talaga ako.

“Gusto ko rin na nakakagalaw ako. Nakakagawa ako ng performance art and iba pong bagay. Do’n ko talaga naisip na bakit hindi ko rin subukan, that’s why I entered showbiz,” katwiran ng binata.

Yung pagpasok naman sa politics na tulad nang ginawa ng tatay niya ay hindi pa raw niya iniisip ngayon.

“I don’t really think of that, but I’m not closing my doors. I don’t know, baka in the future po. Kasi yung politics that is something na iisipin mo when you’re in 30s na or even later in life.

“Well, my dad, he entered very early, but ako, my plan po talaga muna is showbiz muna po,” paliwanag ni Joaquin.

Ibinahagi rin sa amin ni  Joaquin kung ano ang life’s lesson na in-impart sa kanya ng ama pati na ang bilin nito ngayong nasa showbiz na rin siya at nag-aartista.

“Lagi niyang sinasabi, ‘If you want to change tomorrow you gotta do something today.’ Kasi raw if you keep repeating the same thing you did today you won’t be able to change tomorrow,” lahad niya about life’s lesson.

Paalala din daw sa kanya ni Mayor Isko na, “Yung napaka-important lesson binigay niya sa akin pagdating naman sa pag-aartista ko is just to listen, that’s the most basic – listen to your director, lalung-lalo na to older co-actor. He also said na acting is reacting and you will get that from your co-actors.”

Hindi ba mahirap magkaroon ng isang sikat na tatay na mayor ng isang lungsod?

“Siguro, there are times…  lalo na kung gusto ko ng umuwi at may nagpapa-picture pa kay Papa,” natatwa niyang sagot. “Pero aside from that, okey lang, wala naman pong problema,” dugtong pa niya.

Joaquin Domagoso

Kasama ni Joaquin sa Caught In The Act si Andi Abaya, ang 2nd big placer sa katatapos lang na PBB Connect. Ano ba ang unang impression niya sa dalaga?

“I saw Andi kapag nagba-viral siya sa PBB, so first impression – solid, ang galing niya. Wala pa rin naman akong masabi now kasi I don’t really know her yet pero I know she’s a nice person at mabait siya,” description niya sa dalaga.

Samantala, tatlong bagong mukha ang ipakikilala sa Caught In The Act who will be portraying major characters. They are Josh Lichtenberg, Jhassy Cruz Busran and Bamboo B.

Magsisimula na ang syuting ng pelikula ngayong June.

Previous articleVice Ganda nagka-idea kina Daniel Padilla, Regine Velasquez at Sarah Geronimo kaya gumawa ng digital concert
Next articleBARDAGULAN NA: ‘Momshies! Ang Soul Mo’y Akin’ nina Jolina Magdangal, Karla Estrada at Melai Cantiveros palabas na

No posts to display