Jo Berry bagong ‘lady boss’ ng afternoon prime via ‘Little Princess’

JO BERRY is back!

Pagkatapos niya tayong paiyakin sa mga primetime series ng GMA na ‘Onanay’ at ‘The Gift’, nagbabalik-teleserye ang lovable Kapuso actress na si Jo Berry via the new inspiring show ng afternoon prime na ‘Little Princess‘.

Jo Berry bagong 'lady boss' ng afternoon prime via 'Little Princess'
Jo Berry

Nasanay na ang mga Pinoy sa mga teleserye plots kung saan ang tunay na anak ay makikipaglaban upang kunin ang kayamanang nararapat para sa kanya. Ito rin ang main plot ng ‘Little Princess’ na may kakaibang mga twist.

Si Jo Berry ay si Princess M. Montivano, ang small but terrific bida na nangangarap na maging CEO ng kanyang sariling kumpanya. With her loving mother (Angelika dela Cruz) supporting her, magiging malakas ang loob ni Princess na makipaglaban sa mga taong nagmamaliit sa kanya.

One day, malalaman niya na siya pala ay isang tagapagmana at hahanapin siya ng kanyang tunay na ama (Jestoni Alarcon) sa nararapat niyang kalagyan, pero hindi ito magiging madali with the presence of her evil stepmother (Geneva Cruz).

Kasali rin sa bagong programang tututukan tuwing hapon sina Rodjun Cruz, Juancho Trivino, Therese Malvar, Jenine Desiderio, Gabrielle Hahn, Therese Malvar, Tess Antonio, at Sherilyn Reyes-Tan.  Ito ang pumalit sa drama anthology series n ‘Stories From the Heart: The End of Us’.

Previous articleDingdong Dantes pinuri si Beauty Gonzalez sa performance nito sa ‘I Can See You: AlterNate’
Next articleVLOG WATCH: Yasmien Kurdi shows the Life of a Pilot’s Wife during holidays