JM de Guzman, natakot na ‘di matuloy ang pelikula nila ni Angelica Panganiban

JM de Guzman, natakot na ‘di matuloy ang pelikula nila ni Angelica Panganiban

1 JM-de-GuzmanHINDI PRIORITY ngayon ni JM de Guzman ang pagkakaroon ng girlfriend. Wala rin daw siyang idini-date at malamang na walang maka-date sa Valentine’s Day.
Naka-focus si JM  ngayon sa promo ng pelikula nila ni Angelica Panganiban na That Thing Called Tadhana na ipalalabas na sa Feb. 4. May iba pa rin siyang indie film na ginagawa at kasalukuyang nasa Japan para magsyuting.
Isa si JM sa mahuhusay na aktor ng kanyang henerasyon. Pero dahil nga sa bisyo, naudlot ang career. Mabuti na lang at desidido na siya ngayon na ayusin ang lahat.
Inamin ng aktor na gusto na niyang sumuko at mag-quit sa showbiz after ng kanyang rehabilitasyon, mabuti na lang daw at nandyan ang kanyang pamilya para i-encourage siya at suportahan.
“Bukod po sa pamilya ko, napakalaking tulong din ng dasal. Do’n lang po talaga ako kumapit,” kuwento pa niya.
Ipinagpapasalamat din niya na pumayag si Angelica na makatrabaho niya sa That Thing Called Tadhana at ipinagdasal dinniya na huwag siyang palitan sa pelikula nu’ng time na hindi pa ito sinisimulan.
“Siyempre, hindi pa naman kami nagkakatrabaho ni Ms. Angelica tapos marami pa ngang mga isyu kaya natakot din ako na hindi matuloy ‘yung movie. Mabuti na lang, binigyan niya ako ng chance,” sey pa niya.
Ayon naman kay Angelica, masarap at magaang katrabaho si JM. Aminado rin ang aktres na napakahusay na aktor ng binata.

La Boka
by Leo Bukas