JM de Guzman, may hang-over pa ng bisyo?

ADVERTISING

JM de Guzman, may hang-over pa ng bisyo?

JM-de-GuzmanKAWAWA NAMAN si JM de Guzman na pilit makabalik sa kanyang iniwanang puwesto sa showbiz mula nang mawala ito dahil sa pagkalulong sa droga.

May kumakalat kasing tsismis na tila may hang-over pa rin diumano si JM sa kanyang bisyo na nang mag guest ito recently sa Ipaglaban Mo na napapanood every Saturday sa Kapamilya Network. Sa set ng taping, may sariling mundo diumano ang aktor.

Hindi raw ito nakikipaghalubilo sa co-stars niya. Nasa isang sulok lang ng set na hindi naman daw nagbabasa ng script pero ang galaw ng kanyang eye balls ay medyo malikot na parang may inaabangan sa paligid.

Ang balita, hindi pa rin daw cleared or masasabng 100% clean si JM na isa sa mga magagaling nating aktor sa kanyang liga.

ADVERTISING

Totoo ba na hindi pa puwedeng bumalik sa gimikan si JM at every week kailangan niyang bumalik sa rehabilitation center, kung saan siya nagpapagamot para mag-report as part of the discipline na ini-impose sa mga dating mga residente tulad niya.

Sana, makabalik na si JM at manumbalik ang kanyang sigla sa trabaho para 100% ay makagawa na siya ng mga dekalibreng project na minsan ay iniwanan niya.

Sa totoo lang, isa si JM sa mga magagaling nating artista. Sa liga niya, ‘di hamak na mas magaling siya kaysa kay (name withheld) na sikat lang dahil lang sa publicity hype.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING