JM de Guzman, masayang-masaya sa pakikipagbalikan ni Jessy Mendiola

JM de Guzman, masayang-masaya sa pakikipagbalikan ni Jessy Mendiola

JM-de-Guzman-Jessy-MendiolaKUNG NAGIGING positive naman ang end result, oks lang sa akin na magkabalikan sila. Aminado naman si JM de Guzman na minsan nalihis ang dati’y matuwid niyang tinatahak na landas. Kaso, na-in love at sa pagkakataon na ang buhay at puso niya ay naka-focus lang kay Jessy Mendiola, nang sumabit, hayun, kung saan-saan na napadpad ang dati’y maayos na buhay ng magaling na aktor.

Noong Holy Week, nasa Manila lang kami. Hindi kami nakipagsabayan sa buhos ng mga tao sa mga beaches or umuwi ng probinsiya dahil stressful ang traffic at ang hirap sumakay sa public bus. Habang ang iba’y nagbabakasyon, na-enjoy namin ang aming Internet surfing noong Huwebes Santos at Biyernes Santo. Daming mga showbiz celebrities ang nasundan namin ang kanilang Holy Week vacation sa iba’t ibang mga lugar sa mundo. Karamihan, nasa mga beaches sila.

Pero mas gusto ko ang page-emote nina JM de Guzman at Jessy Mendiola na naka-post sa social media. Yes, tila in love na naman ang dalawa sa isa’t isa. Lalo na si JM na sa mga picture nila ni Jessy, napakaamo ng mukha ng aktor. Ang basa ko, masayang-masaya siya. Happy muli siya sa piling ni Jessy.

Kung noon naging pasaway si JM, this time, after all the trials at nakabuwelo na siya at binigyan muli ng pagkakataon ng showbiz (lalo na ng Kapamilya Network), happy kami sa magandang disposisyon ng aktor.

Kung minsan ang pag-ibig, nakabuburyong. Nakasisira ng diskarte sa buhay lalo pa’t bad trip ka at nag-break kayo.

Pero after all the challenges at trials kay JM, muli with open arms, tinanggap siya ni Jessy na this time, ang pag-ibig niya sa dalaga ay pampa-good vibes sa aktor which for us is a positive sign na tuluy-tuloy na ang aktor sa mas magandang buhay sa hinaharap na sa pagkakataong ito, magkatuwang na sila ni Jessy.

Reyted K
By RK VillaCorta