JM de Guzman, ‘di pa fully-healed; kailangan pa ring alalayan

ADVERTISING

JM de Guzman, 'di pa fully-healed; kailangan pa ring alalayan

JM de Guzman, 'di pa fully-healed; kailangan pa ring alalayanExcited kami sa muling pagbabalik ni JM de Guzman sa showbiz.

ADVERTISING

With his film “Tandem” na isang action-drama na indie film; ini-expect namin na all’s well with JM (as of his writing ay nasa rehab pa rin siya), na sa kalagitnaan ng kanyang afternoon serye noon sa ABS-CBN na “All of Me” ay bigla siyang naglaho.

Kasi ba naman, nagkaroon na naman ng problema ang “lovelife” nila ni Jessy Mendiola nun na naging dahilan na naman ng pamomroblema ng aktor.

Sabi ng isang production insider ng show niyang “AOM” na nagtapos last Friday, mas kailangan ni JM de Guzman ng suporta. “Sa estado niya dapat ay nakaalalay sa kanya. Hindi siya basta hahayaan na lang na hindi aalalayan dahil hindi pa siya fully-healed. Parang nabigla din kasi si JM na sa pagbabalik niya sa show, ang dami niyang projects na alam mo parang hindi niya kakayanin ang pressure at demands ng trabaho,” kuwento nito sa amin .

ADVERTISING

Sa ending ng “All of Me”, akala ko nga lilitaw si JM sa eksena bilang sorpresa ngayon na tila okey na ang aktor.

Sa bagong project ni JM together with Nico Manalo and Rochelle Pangilinan (na napanood namin ang trailer during the MMFF 2015, nagustuhan namin ang trailer ng action-drama movie ng aktor.

With this film, ito na kaya ang hudyat ng totoong pagbabalik ng isang tunay na aktor sa showbiz and this time ay for good na?

We just hope maging matiwasay na ang buhay ni JM. We need good actors’ like him.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING