JM de Guzman, bigay-todo sa love scene sa indie film

JM de Guzman, bigay-todo sa love scene sa indie film

JM de Guzman, bigay-todo sa love scene sa indie filmGusto ko ang tema ng indie film na “Tandem” na nagtatampok sa mga aktor na sina JM de Guzman at Nico Antonio.

Kuwento ito ng dalawang magkapatid na para mabuhay at matupad ang kani-kanilang mga pangarap ay pumasok sa modus operandi na “riding- in-tandem” na gawi ay mang-snatch ng mga bag ng mga taong naglalakad sa kalye.

Akma lang na nanalo bilang Best Actor si JM de Guzman sa naturang pelikula last MMFF 2015, dahil magaling ang performance niya.

Sayang nga lang na dahil sa mga personal na mga nangyayari sa buhay ni JM, naramdaman ang absence niya sa ilang mga kaganapan para sa pelikula na nagpanalo sa kanya ng award.

Magaling si Rochelle Pangilinan at Nico. Gayundin ang stage actress na si Elora Esano na gumanap bilang girlfriend ni JM na bigay-todo sa dalawang hot na hot scene nila.

Yes, kung pantasya mo si JM at hindi napanonood ang aktor sa mga pelikula niya na may sex scene, panahon lang na panoorin ninyo ang “Tandem” ni Direk King Palisok.

Hindi ito isang sex film, pero may sangkap ng nakae-“L” na eksena nina JM at Elora. Ang “Tandem” ay isang drama-action na pelikula na tumatalakay sa reyalidad ng kasalukuyang panahon at ang korupsyon ng kapulisan at maging ng estado sa umiiral na kapalpakan, nakawan, patayan, at  krimen.

Bukod kasi sa isang matinong pelikula ang “Tandem” na produced ng Quantum Films, Buchi Boy Films, at Tuko Productions, pinag-usapan ng press na nakapanood sa special screening ang “sex” scene ni JM.

Ang ganda ng puwet ni JM. Bilog na bilog na malaman. Ang pagkadyot niya habang nakapatong sa kaparehang babae, akala mo, totoong-totoo.

Sa pangalawan eksena nila, bumigay na nang todo sina JM at Elora. Kita ang kabuunan ng hubad na katawan ni JM habang si Elora ay naka-victory position sa ibabaw ng mesa na muntik-muntikan nang mahulugan ng salamin sa walang humpay na mainit na “kadyot” ni JM sa kapareha. Sa darating na Wednesday, February 17, na ang “kadyutan” at pagra-riding-in-“Tandem”.

Reyted K
By RK VillaCorta