JM de Guzman, ayaw nang balikan ang dahilan ng pagkawala sa showbiz

JM de Guzman, ayaw nang balikan ang dahilan ng pagkawala sa showbiz

JM-de-GuzmanNANG MATAPOS ang question and answer portion sa presscon ng pelikulang That Thing Called Tadhana, solo kong nainterbyu si JM de Guzman na kasama ni Angelica Panganiban sa nasabing movie. Napakaaliwalas ngayon ng kanyang mukha, lagi siyang nakangiti at siyempre’y halatang-halata na kung ano ang kanyang mga pinagdaanan nitong nakaraang taon na naging dahilan kung bakit siya pansamantalang nagpahinga sa showbiz, ay okey na talaga siya at nakapagpahinga na.

Ipinagpapasalamat din ni JM, na kung anuman ang malungkot na dinaanan niya pati na ang proseso para mas lalo pa niyang maisaayos ang kanyang buhay at pagkatao, naroon ang pagrespeto ng mga tao sa showbiz, ganu’n din ng kanyang mga nakakakilala. Na huwag na lang balikan pa at itanong sa kanya kung paano ba nangyari ang lahat? Kung bakit sa kabila ng magandang takbo ng kanyang career noon ay may hindi magandang nangyari sa kanya.

“Sa ngayon, ang ipinagpapasalamat ko ay ‘yung sa pagbabalik-showbiz ko ulit, na ngayon ay mayroon na nga akong mga proyektong ginagawa, ay ipinararamdam nila sa akin na inabangan pala nila ang aking pagbabalik. Doon ko rin lalong naramdaman na sobrang mahal ko ang trabahong ito, at isang malaking bagay ‘yung nabibigyan pa ulit ako ng pagkakataon,” wika ni JM.

ChorBA!
by Melchor Bautista