JK Labajo at Maureen Wroblewitz hiwalay na

HIWALAY NA ang OPM singer na si JK Labajo sa kanyang model/actress girlfriend na si Maureen Wroblewitz.

Ito mismo ang kinumpirma ng dalawa sa pamamagitan ng kanilang Instagram accounts noong June 10.

JK Labajo at Maureen Wroblewitz hiwalay na
JK Labago and Maureen

Naunang nagpahiwatig si Maureen by posting a quote card na nakasulat na “Life is not happening to you. Life is happening for you.”

Caption pa niya, “Some things come to an end and that’s okay. but now it’s time for us to grow on our own.”

Kung ikukumpara sa mga recent showbiz breakups, tila walang bitterness sa pagitan ang dalawa.

“I am the luckiest person in the world to have spent the past years of my life with you and I wouldn’t choose anybody else to have spent those years with. You’ve taught me so much and I have learned, I am learning, and I will learn more.” sambit ni JK sa comments section.

Dagdag pa ni JK, “We are both so young and we have to enjoy ourselves. I want to see you succeed. I love seeing you achieve your dreams. You will. We will. Here’s to growth and love for ourselves. For there is no greater love than self-love. Dankëschon, Ich liebe dich and auf wiedersehen.”

Sa Instagram account naman ni JK ay nagpost ito ng kanilang larawan ni Maureen at sa mismong caption ay kinumpirma ang kanilang hiwalayan.

“Magka-ibigan na ngayo’y matalik na magkaibigan. Lagi mong tandaan na kahit pagbaliktarin mo man ang mundo, kahit saang lupalop man ng kalawakan, ikaw parin ang nagiisa kong buwan. Maraming salamat, mahal kita, at hanggang sa muli. ❤️” post ni JK.

Previous articleThings You Didn’t Know About Kim Woo-Bin
Next articlePaul Salas at Kate Valdez magtatambal sa Regal Studio Presents: Open Minded