Jiro Manio, may bago nang pamilya

ADVERTISING
photo courtesy of Instagram: msaiaidelasalas
photo courtesy of Instagram: msaiaidelasalas
photo courtesy of Instagram: msaiaidelasalas
photo courtesy of Instagram: msaiaidelasalas

Nakatagpo na ng bagong pamilya ang kontrobersyal na aktor na si Jiro Manio.

Noong Martes, January 26, lumabas na mula sa rehab ang actor, ayon sa Instagram post ni Ai-Ai delas Alas, kung makikita sa kalakip na litrato sina Ai Ai at Jiro kasama ang mga anak ni Ai Ai na sina Sancho at Sophia. Mapapansin din sa litrato na nananaba si Jiro na mukhang naka-recover na nga matapos ang kanyang rehab.

ADVERTISING

Sa caption ni Ai Ai, sinabi nitong, “Welcome back anak … We are family wohoooooo!!!! #jiroshome”

Makikita naman sa larawan na medyo nananaba si Jiro Manio.

Nag-post din si Sancho sa kanyang Instagram ng parehong litrato, kung saan tinawag niyang “kapatid” ang dating child actor. Ayon sa kanyang post, “Welcome home kapatid! #jiroshome ??????? #jiromanio”

ADVERTISING

Matatandaang noong nakaraang taon, naging kontrobersyal ang istorya ni Jiro na nakitang pakalat-kalat at nanlilimos umano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3. Nang makarating kay Ai Ai ang balita, agad siyang nakipagkita kay Jiro at nangakong tutulungan niya ang itinuring na niyang anak hanggang sa maka-recover ito sa pinagdaraanang problema.

Isa si Jiro sa mga gumanap na anak ni Ai Ai sa “Ang Tanging Ina” film franchise. 2011 nang unang ma-rehab si Jiro dahil sa paggamit ng bawal na gamot.

By Parazzi Boy

ADVERTISING