Jiro Manio, ayaw nang bumalik sa kanilang bahay

ADVERTISING

Jiro Manio, ayaw nang bumalik sa kanilang bahay

Jiro-ManioPANOORIN N’YO sa Startalk bukas ang kuwento namin tungkol kay Jiro Manio na naging isyu ‘yung palaboy-laboy niya sa Terminal 3 ng NAIA.

ADVERTISING

Nasundo na nga siya ng kapatid niya, pero hindi pala siya bumalik sa bahay nila. Ayaw raw talaga niyang bumalik sa bahay nila at ang turing niya, wala na siyang pamilya.

Nakausap daw ito ni Ai-Ai delas Alas, at ang sabi nito maayos daw silang nag-usap.

Parang tuluyan na raw kinalimutan ang showbiz na buhay niya. Kaya kahit may mga nag-aalok na project sa kanya, tumatanggi raw ito.

ADVERTISING

Ayaw na raw talaga niyang mag-artista. Ang gusto lang yata niya ay pumunta ng Japan para makasama ang tunay niyang ama. Pero ang kuwento ng mga bading, parang hindi na rin daw interesado ang pamilya niya sa Japan na arugain ito.

Kaya sa ngayon, kinukupkop ito ng mga taga-Kapuso Mo, Jessica Soho dahil ginagawan nila ito ng kuwento.

Tinulungan yata nilang ipa-rehab ito.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING