Jinri Park, wala raw kinalaman si Pauleen Luna sa pag-alis sa sitcom ni Vic Sotto

Jinri Park, wala raw kinalaman si Pauleen Luna sa pag-alis sa sitcom ni Vic Sotto

Jinri-ParkNAKATSIKAHAN NAMIN si Jinri Park, ang sexy Korean na naging leading lady ni Bossing Vic Sotto sa Vampire Ang Daddy Ko, pero hindi nagtagal ay nagpaalam sa TV show para magbalik-Korea at mag-aral.

Sa isang resort sa Antipolo, buong ningning na inamin ni Jinri na siya ang kusang humingi ng permiso kay Bossing at sa staff ng sitcom na aalis para mag-aral sa Korea. At walang raw kinalaman si Pauleen Luna sa pag-alis niya sa sitcom ni Bossing.

Pinayagan naman daw siya at halos isang taon siyang namalagi uli sa Korea, pero hindi rin nakatapos ng kursong acting at filmmaking dahil would you believe na hindi raw siya makapag-adjust sa sariling bansa.

“Hindi ako makapag-adjust sa buhay ko sa Korea. Kahit na isa akong Koreana. Lumaki ako sa Cebu at matagal na nanirahan. Sa Cebu na rin ako nagkaroon ng boyfriend na isang Koreano rin, pero hindi rin kami nagtagal,” say ni Jinri na maputi at super seksi pa rin.

Ngayon ay Pinoy ang boyfriend niya na pamangkin ni Gretchen Barretto na si Cholo Barretto. Nagkakilala raw sila sa isang gym. Ipinakilala sa kanya ng manager ng gym si Cholo.

When asked kung ano na ang nangyari sa demanda niya sa isang men’s magazine na naglabas ng mga sexy photo niya?

Nagkaayos na raw sila. Wala raw perang involved sa kaso kaya sila nagkaayos. Hindi raw kasi humingi ng permiso sa kanila ang naturang men’s magazine na ilalabas ang mga sexy photo. Isa pa ay hindi man lang daw muna ipinakita sa kanila ang mga photos na ilalabas kung okey ba sa kanya at sa manager ang mga ito.

Willing pa rin daw siyang magpose ng all the way sa isang men’s magazine basta kilala at approved sa kanya ang magiging photographer at mga pose na gagawin.

Samantalang kaya nasa Antipolo si Jinri ay dahil may taping siya ng bagong show na ang pamagat ay Jinrilationship na isang comedy web series sa TV5.

Isa itong online series produced by Digital5, ang digital channel ng TV5 na mapanonood sa tv5.com.ph.

Ang running time ay 7 to 10 minutes kada webisode, directed by Joel Ferrez.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo