Jinkee Pacquiao, susugurin si Krista Ranillo sa Los Angeles! – Lolit Solis

Jinkee Pacquiao, susugurin si Krista Ranillo sa Los Angeles! - Lolit Solis

Jinkee Pacquiao, susugurin si Krista Ranillo sa Los Angeles! - Lolit SolisUMALIS NA PALA si Jinkee Pacquiao patungong LA, California, USA nu’ng nakaraang Sabado para suportahan ang laban ni Manny Pacquiao kay Miguel Cotto.

Ang una naming nabalitaan, hindi raw pupunta si Jinkee dahil galit ito sa pagkaka-link ni Krista Ranillo sa asawa niya. Pero nagbago yata ang isip ni Jinkee at tumuloy rin para siyempre bantayan si Manny!

Ang nakarating na kuwento sa akin, nandu’n na raw si Krista kasama ang buong pamilya niya at wala raw itong pakialam kahit nakikita sila ng mga tao.

Tingnan natin ngayon kung uubra siya kay Jinkee.

Bukas naman ay aalis si Mommy Dionesia kasama ng ex-dyowa niyang si Tatay Rosalio Pacquiao.

[ad#post-ad-box]

Nang nakatsikahan ng Startalk si Mommy Dionesia sa press launch ng bagong endorsement nitong food supplement na Osteo Gard, sinabi niyang magkasama sila ni Tatay Rosalio at ng mga anak nila.

Buong pamilya raw ang tutulak pa-Amerika para ipakita nila ang suporta sa ating Pambansang Kamao.

“Espesyal ito, kailangan nandu’n ako sa kanya. Kahit hindi ako manood sa ring, malaking tulong ang pagdasal, nandiyan ako malapit sa kanya, mayakap ko ang anak ko bago umakyat ng ring,” pahayag ni Mommy Dionesia.

Walang epek naman sa kanya kung kasama niya ang dating asawa dahil wala na raw siyang naramdaman na love at parang magkaibigan na lang daw ang turingan nila.

Bonggang-bongga ang showbiz career ni Mommy Dionesia at ang dami ng nanliligaw sa kanya kaya dedma siya sa dating dyowa nito.

TUWANG-TUWA SI DINGDONG Dantes na nagkuwento sa launch ng bagong scent niyang Desired sa Bench nu’ng nakaraang Huwebes. Nakapag-bonding daw sila nang husto ni Marian Rivera sa Singapore nu’ng pumunta sila roon para sa promo ng telefantasya nilang Dyesebel,  na ini-launch doon.

Masaya raw ang ilang araw na bakasyon nila roon dahil nakapag-usap sila nang mabuti tungkol sa kanilang relasyon.  At siyempre, naipakita rin ni Dingdong kay Marian na siya lang ang tanging babaeng mamahalin niya.

Hindi nila napag-usapan si Rhian Ramos na napabalitang pinagseselosan daw ni Marian.

Wala naman daw ganu’ng drama si Marian dahil confident naman siya na siya lang ang love na love ni Dingdong.

Ibinili ni Marian si Dingdong ng mamahaling maleta pero ayaw namang sabihin ng aktor kung ano ang ibinili nito sa aktres.

Ang isa sa mga pinag-usapan nila ni Marian ay ang posibilidad na magsama sila sa isang pelikula. Iyon daw ang wish ni Dingdong na sana ay matupad sa susunod na taon.

Sana makagawa raw siya ng pelikulang pagsasamahan nilang dalawa.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis