Jinkee Pacquiao, pinagdudahan ang kakayahan ni Manny Pacquiao

Jinkee Pacquiao, pinagdudahan ang kakayahan ni Manny Pacquiao

Manny-Pacquiao-Jinkee-PacquiaoSA INTERVIEW ni Coney Sison kay Mommy Dionisia Pacquiao, tinanong ng GMA 7 news anchor ang mommy ni Manny Pacquiao kung anong reaction sa naglabasan na kinukulam daw nito ang nagiging kalaban ni Pacman sa ibabaw ng ring.

Naging trending daw kasi sa social media ang ginagawa ni Mommy na tinuturo ang kalaban ng anak sa ibabaw ng ring habang hawak ang rosaryo.

Imbes na magalit, tinawanan na lang ng mommy ng Pambansang Kamao na siya ay mangkukulam.

“Hahahaha! ‘Di ako ganyan. Ang tao na gumagawa ng ganyan ay walang Diyos,” nakangiting pahayag ni Mommy Dionisia kay Coney Sison.

Payo ni Mommy kay Pacman na huwag maging kumpiyansa sa laban at magdasal sa Diyos bago lumaban.

Nakahanda na rin ang white gown na isusuot ni Mommy Dionisia. Kung bakit white ang kulay ng gown ay para ibandila sa buong bansa at ipagmalaki na tayo ay Pilipino na handa sa anumang pagsubok.

Sa interview naman ni Ms. Coney kay Jinkee, naibulgar na pinagdudahan nito ang kakayahan ni Manny Pacquiao nang lumaban kay Oscar dela Hoya.

Nababasa raw kasi ni Jinkee kung gaano kahusay at galing sa boxing ni Oscal dela Hoya. Kaya nang sabihin daw sa kanya ni Manny na kaya nitong labanan at talunin si Oscar ay nagduda raw siya kay Manny na kaya nitong talunin ang kalaban sa ring.

Na-guilty raw siya dahil siya na asawa ng Pambansang Kamao ay pinagdudahan ang kakayahan nito sa ibabaw ng ring.

Kaya sa nangyaring laban ni Manny kay Mayweather, 100% na siyang naniniwala sa husband na kaya nitong talunin ang sinumang makakaharap sa ibabaw ng ring.

Ayon pa kay Jinkee, anuman ang kalabasan ng laban ni Manny at Mayweather ay tatanggapin nila nang buong puso. Matalo’t manalo, tanggap nilang mag-asawa, dahil ‘yun ang kagustuhan ng Diyos.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo