Jinkee Pacquiao, panira sa laban ni Manny Pacquiao?!

ADVERTISING

 Jinkee Pacquiao, panira sa laban ni Manny Pacquiao?!

 Jinkee Pacquiao, panira sa laban ni Manny Pacquiao?! OLA CHIKKA NA! Natapos na nga ang pinakahihintay na laban ng ating Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao at Mexicanong si Juan Manuel Marquez noong Linggo, pero hindi pa rin natatapos ang mga chikkang nakadikit sa ating kampyon. Marami ang nadismaya sa laban na ipinakita ni Pacquiao, ngunit siya pa rin ang nagwagi at naiuwi ang WBO Welterweight title.

Bulung-bulungan ng marami, nakaapekto ang awayan ng mag-asawang Manny at Jinkee sa laban na hanggang ngayon ay hindi pa rin naaayos, bagama’t lumipad si Jinkee sa Las Vegas bilang suporta sa asawa.

Noong September pa nagsimula ang isyu, kung saan ang ating Pambansang Kamao at Congressman Pacquiao ay dumalo sa binyag ng anak ng isang culinary arts student na si Kat Ordoñez. Dahil sa sobrang controversial ng congressman, marami ang nagtaas ng kilay at napatanong kung sa paglaki ng nasabing bata, tawagin ba siyang Ninong Manny or Daddy Manny? Tsk, tsk, tsk! Hindi magandang biro iyan mga kapatid, huh? Ano nga naman bang mararamdaman mo kung ikaw ‘tong si Mareng Jinkee? ‘Di ba maha-hurt ka nang tunay.

Sa dami ba naman ng chikkang pambababae nitong si Manny, hindi na nasanay si Jinkee. Ayon naman sa nanay ng bininyagan ay imposibleng maging ama ng bata itong si Pacquiao dahil nasa Dubai ang totoong ama nito. Dagdag pa ni Kat ay inimbita niya si Pacquiao dahil naging close niya ito sa kadahilanang ang ex-jowa niya ay assistant ng ating kampyon. Bongga!

ADVERTISING

Bilib naman talaga ako rito kay Jinkee dahil ang taas ng endurance at nariyan pa rin siya. Tama nga naman na panatilihin nating buo ang ating pamilya at hindi magtatagal ay masasanay ka na. Dapat lang naman! Kaya gaya nga ng Mano Po 4, be proud to say, Jinkee, “Ako legal wife”! Pak!

 

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Mahulaan n’yo kaya itong balik-showbiz artist na gasgas na sa mga pitik-bulag dahil hindi na tinantanan ng mga chikka?! Ikaw ba naman ang magkaroon ng asawang pinagkakaguluhan ng fans maging ng showbiz world mismo, hindi ba? Kaya naman hindi na nakakapagtaka na itong host actress ay nagmumukha ng bangkay dahil sa sobrang payat na hindi na appropriate sa kanyang katawan! Ay, day! Magiging kahilera na kita! Hahaha! Kung sa bagay, kung ako ba naman ang nasa posisyon mo ay mas nanaisin kong pumayat!

Ayon sa aking mga kaibigan at manonood ng kanyang programa, tuwing gabi ay sobrang namamayat itong host-actress dahil daw sa sobrang pag-eehersisyo. Ehersiyo as in work out ng mag-asawa. Ano pa nga ba? Eh, ‘di sex! Nao-oversex daw itong ating pitik-bulag. Ano pang say n’yo? Kailangan pa ba ng clue eh, given na given na!

 

KUNG NABITIN KAYO sa ating mga chikka ay maaari n’yo kaming subaybayan sa DWSS 1494 khz sa programang “Ola Chikka Now Na!” with Lady Camille mula Lunes hanggang Biyernes, 11:30 AM hanggang 12:00 NN at tuwing Linggo sa DZRH 666khz “Sa Totoong-totoo Lang! ‘Yun na!” tuwing Linggo, 2:30 to 3:30 PM. This is your Tita Swarding saying… God bless us all! Pak!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING