Jinkee Pacquiao, napasubo sa kanyang dare!

ADVERTISING

Jinkee Pacquiao, napasubo sa kanyang dare!

Jinkee Pacquiao, napasubo sa kanyang dare!NABIGLA YATA SI Jinkee Pacquiao sa sinabi niyang magbibigay siya ng Hermes bag sa kung sino mang makapagbigay sa kanya ng ebidensiya na nambababae ang asawa niya.

ADVERTISING

Magmula nang sinabi niya ‘yun sa presscon ng ini-endorse niya sa Belo Me-dical Group, hindi na siya tinigilan ng mga reporters sa katatanong tungkol sa hamon niyang ‘yun.

Ang sabi naman kasi ni Jinkee, ang hirap daw magpapatol sa ganu’ng isyu na wala namang pruweba.

Unfair naman daw kay Manny Pacquiao na parang siya lang daw ang mag-isang babaero sa buong Pilipinas.

ADVERTISING

Lagi na lang daw natsitsismis nang ganu’n ang asawa niya, wala naman daw lumalabas na ebidensiya. Kaya ngayon, dedma na raw siya sa ganu’ng isyu.

Kung sakaling may ebidensya raw, doon na siya magri-react, pero wala naman! Sana tigilan na raw ang asawa niya.

Kaya nagsalita na siyang magbibigay siya ng Hermes bag sa kung sino mang makapagbigay sa kanya ng sinasabi niyang ebidensiya.

At least ipinagtanggol naman ni Jinkee ang asawa at hindi naman basta-basta pumapatol sa ganu’ng intriga.

Abala naman ngayon si Manny sa pag-ensayo sa Baguio, kaya ayaw na rin niyang magpapatol sa ganu’ng intriga dahil hindi na raw ito natatapos. Nakasanayan na niya ang ganu’ng intriga kaya dedma na rin siya.

Mabuting abangan na lang daw ang Manny, Many Prizes nila sa Sabado dahil magpapasaya na naman sila at mamumudmod ng kadatungan sa Baguio.

 

MALAPIT NA PALANG manganak ang isa ko pang alagang si Carlene Aguilar. Excited na sila ng asawa niyang si Yo Ocampo dahil first baby niya ito sa asawa niya.

Kahit nga raw ang anak nito kay Dennis Trillo na si Calix ay excited na rin sa baby brother niya.

Pero sa ngayon, ini-enjoy na raw muna nila ang moment nila kay Calix dahil siyempre mahahati na iyan pagdating ng bago nilang baby.

Pagkatapos ni Carlene, ang pangalawang baby naman nina Alfred Vargas at Yasmine Espiritu.

Mga end of October daw ang due nito kaya lilipad na naman si Alfred pa-Italy para samahan doon ang asawa niya.

Baby girl naman ang isisi-lang nito na bale pangalawa na nila ito ni Yasmine.

Pagkatapos ng kay Alfred, ang susunod naman ay si Glydel Mercado na nagpapahinga na rin ngayon dahil malaki na ang tiyan niya.

Parang nanganganay na naman nga raw ngayon si Glydel dahil halos seven years din bago nila ito nasundan ni Tonton.

Baby girl din itong pangalawang baby nila at sabi nga ni-lang mag-asawa, tama na raw muna ‘yun para may panahon sila sa pag-alaga sa kanilang dalawang anak.

Hay, naku! Dumarami na ang mga apo ko!

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING