Jinkee Pacquiao, nagiging clone ni Gretchen Barretto!

Jinkee Pacquiao, nagiging clone ni Gretchen Barretto!

Jinkee Pacquiao, nagiging clone ni Gretchen Barretto!TO A REPORTER’S discerning observation, ang imposing billboard ni Jinkee Pacquiao as a beauty clinic endorser ay nagtataglay ng kanilang strong resemblance ni Gretchen Barretto. Hindi na nga raw kamukha ni Jinkee ang kanyang twin sister.

Maraming implikasyon sa obserbasyong ito, una na ang pagkukumpara sa hitsura ng maybahay ni Manny kay Gretchen. If the public knows Gretchen well enough, she will not take this as a compliment, bagkus she might — just might — undermine the reporter’s impression with the belief that her beauty  is not like an original DVD that can be replicated (although  Gretchen’s “thickened” lips would reveal the extent of her surgical makeover).

Ikalawa, if the comparative peg is centered on Gretchen, natural na ang iisipin ng publiko kay Jinkee ay isa rin pala siya sa mga tumatanaw ng malaking utang na loob sa siyensiya, as in thank you, doc for all her refreshing beauty she now possesses na alam naman nating hindi ganoon ka-enhanced years before.

But take it from the moneyed, beauty-conscious women consumed by their vanity. As they say, “Kung may pera ka, wala kang karapatang pumangit!” And if I may add, kapag nagparetoke ka, you can be a clone of Gretchen Barretto!

 

BLIND ITEM: KUNG tutuusin, in his decades in the music industry ay maaaring natsitsismis ang male singer na ito to be among the distant kin of Remington, ‘yun nga lang, hindi siya puwedeng patayin sa syokot dahil kung boses at boses din lang ang pag-uusapan ay pamatay ang kanyang tinig.

Isang 22 year-old gay acquaintance (but straight-looking) ang nagbalita sa akin na in constant communication siya with the singer, now in his early 50s. Curious, tinanong ko siya if by chance ay nagkaroon nga ba ng higit pa sa ugnayang ‘yon?  “Wala pa,” sabi nito sa amin, “pero may mga pahiwatig,” dagdag ng aking source whose preference sa mga ka-one-night-stand nitong bading ay masyosyonda rin.

Given their yawning age gap, tinanong ako ng aking source kung may asawa ba ang naturang singer na gusto siyang ikama. Well, all I know is that he’s a certified bachelor, ni minsan ay walang na-link sa kanya. But if only for his voice, who cares about his sexual preference?

Basta ang alam ng lahat, his talent will live on from here to eternity.

 

NGAYONG MIYERKULES, PINAGHALONG legal, sikolohikal at moral ang ipapayo ng tinaguriang Trio Tagapayo led by PAO Chief Persida Rueda-Acosta sa kuwentong hatid ng Face To Face na pinamagatang Misis Na Galit, Nilagyan Ng Sili Ang Brief At Pati Ari Ni Manoy Ay Isinabit! Himutok ni Badong, tamang hinala raw palagi ang dyowang si Miriam, kaya noong nasilihan na ang kanyang underwear ay nagpasya siyang isoli ito sa nanay nito.

Abangan naman bukas, Huwebes, ang episode na Kumawala Sa Kinakasamang Tibo Pero Sumabit Naman Sa Matandang May Sabit! Sa kuwento, ipinagpalit ni Honorio ang apatnapu’t taong pagsasama nila ni Veronica para kay Irma, na nag-e-enjoy lang dati sa “finger-lickin’ good.”
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III