Jinkee Pacquiao, kinikilatis ang lahat ng nakikilala ni Manny Pacquiao?!

ADVERTISING

Jinkee Pacquiao, kinikilatis ang lahat ng nakikilala ni Manny Pacquiao?!

Jinkee Pacquiao, kinikilatis ang lahat ng nakikilala ni Manny Pacquiao?!OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! Bonggang-bonggang eksena na naman at more chikka, more fun na naman tayo to the maximum authority of chikka ng nakakalokang eksena, lalo na ngayon taon ng 2011!

Kaya naman, mga kaparazzi, sisimulan ko na ang mga naging eksena at pani-nindigan ko na itong mga chikka ko, lalo na ngayon sa eksena ni Jinkee Pacquiao, dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya maka-move on, na ang asawa niya ay babaero talaga, at maloloka ka talaga. Lahat kasi ng nakikilala ngayon ni Manny Pacquiao ay kinikilatis niya.

Naku, ‘te… parang sinabi mo naman na wala kang laman. Teka tanungin kaya natin si Jinkee na ngayong taon na ito, ilan ang na-link kay Manny? Hahaha!

Sa bagay, kahit ilan man ‘yan, mas bata o hindi, insecure pa rin ang labas ni Ate Jinkee mo. Kung ako sa kanya, ang maipapayo ko na lang ay masanay ka na… dahil ‘yan talaga ang magiging eksena ng jusawa mo. Marami talaga ang mali-link sa kanya, mapera kasi, ‘te…

ADVERTISING

Kaya kung ako sa ‘yo, magpapasalamat na lang ako. Kasi ikaw talaga ang winner kay Manny at ang bonggang eksena d’yan ay ikaw pa rin ang makakasama niya ngayon Pasko, ‘di ba? Happy family pa rin kayo…

 

NAKU, HETO naman! Kumustahin naman natin si Kris Aquino ngayong taon na ito, sa kung ano ang magiging eksena ng mga anak niya. Naalala kaya si Baby James ng kanyang daddy? Hahaha! Magkikita kaya sila ngayong Pasko?

Kumusta kaya si Kuya Josh? Magkikita kaya sila ng daddy niya na si Philip Salvador?

Well, kumustahin naman natin si Ate Kris, sa kung ano ang magiging eksena niya? Payagan niya kaya ang mga anak niya?

For sure naman, pagdating sa mga ganyang eksena, hindi naman siya madamot sa mga anak niya. Siguro mas masarap ang feeling niya lalo na kapag naalala na ang mga anak niya, ‘di ba?

Du’n lang ako bumibilib sa kanya dahil kahit ganyan ang naging eksena niya ay taas-noo pa rin siya sa madlang pipol at marami pa rin talaga ang rumespeto sa kanya… haha!

Maloloka ka talaga sa Earth, ‘di ba? Kaya naman ang masasabi ko naman, mga kaparazzi… advace Merry X-mas and Happy New Year! Sana next year, bagong isyu naman ang maichichikka natin… Paaakkk!!!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING