Jinkee Pacquiao, iniiyakan na ang isyu kina Manny at Krista Ranillo?! – Lolit Solis

ADVERTISING

Jinkee Pacquiao, iniiyakan na ang isyu kina Manny at Krista Ranillo?! - Lolit Solis

Jinkee Pacquiao, iniiyakan na ang isyu kina Manny at Krista Ranillo?! - Lolit SolisNAKAKALOKA NA ANG mga naririnig kong kuwento rito kina Manny Pacquiao at Krista Ranillo, ha?! Kung anu-ano na ang mga panlalait na ang ibinabato kay Krista na ewan ko naman kung mati-take ito nina Matt Ranillo III. Bakit naman hinahayaan nilang lumaki iyan?

ADVERTISING

Iniiwasan pa rin ni Manny na sagutin ang intrigang iyan, pero obvious na may problema talaga sila at naging isyu na nga ang pag-iyak ni Jinkee sa misa na dinaluhan nila roon.

Sabi ni Jinkee, magsasalita siya sa tamang panahon dahil mag-uusap daw sila ni Manny pagkatapos ng laban. Iyong pag-iyak niya kaya du’n sa misa ay resulta na nang pag-uusap nilang mag-asawa?

Kung ano man ang desisyon nila, dapat na mag-ingat si Manny rito dahil ang nega na ng image ni Krista at marami ang gigil na gigil sa kanya.

ADVERTISING

Iyong ibang babaeng nakakausap ko na may asawa, parang gusto raw nilang tampal-tampalin si Krista ‘pag nakita nila.

Lumalabas na ang ibang mga kuwento sa kanya at hindi talaga maganda, considering na graduate ng Ateneo de Manila University ‘yan, ha?!

Ang dati niyang boyfriend na si Direk Dominic Zapata ay tahimik pa rin kaya sana magsalita na siya dahil hindi pa alam kung ano ba talaga ang kalagayan ng relasyon nila ni Krista.

‘Di ba si Direk Dom pa nga gumastos ng pag-aaral ni Krista hanggang sa naka-graduate ito sa Ateneo?

I’m sure nakarating naman sa kanila ang mga balita rito, kaya ewan ko lang kung babalik pa iyan dito sa Pilipinas dahil maganda na ang kalagayan niya roon sa Amerika.

Tuloy na kaya ang restaurant business nila roon? Abangan na lang natin ang susunod na magaganap. Dapat na magsalita na talaga si Jinkee!

ITO NAMANG SI Gina Alajar, nagagalit na inilabas ng The Buzz ang mga sinabi laban kay Krista sa Facebook account niya.

Naungkat na naman tuloy ang isyung si Krista nga ba ang dahilan ng hiwalayan nila ni Michael de Mesa.

Basta sa mga inilabas ni Gina sa thread niya, obvious na galit na galit ito kay Krista.

Huwag na siyang magalit kung pinik-up ito ng mga press at ng The Buzz dahil open naman iyan sa lahat at alam naman natin na wala pa ring control kung inilabas mo na sa internet.

Ang sabi niya between friends lang daw ‘yun, eh ‘di sana nagkuwentuhan na lang kayo para hindi na makarating sa iba.

Ako naman hindi marunong gumamit ng computer at hindi ko alam iyang mga Facebook na iyan, kaya nakikitsismis na lang ako.

Mas bongga pa nga ang nakararating sa aking kuwento kesa sa mga naglalabasan sa internet.

Pero iisa lang ang mangyayari sa mga darating na araw; kung ipinagbunyi ang pagdating ng ating Pambansang Kamao, makatitikim naman ng bonggang-bonggang panlalait at alipusta itong si Krista na binabansagan na nilang Pambansang ‘K’ as in… hay naku! Kayo na ang bahalang mag-isip kung ano iyang ‘K’ na iyan!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING