Jinkee Pacquiao, bumigay na sa unti-unting pagkawasak ng pamilya! – Cristy Fermin

ADVERTISING

Jinkee Pacquiao, bumigay na sa unti-unting pagkawasak ng pamilya! - Cristy Fermin

ISANG KAIBIGANG DUMALO sa Thanksgiving Mass para sa tagumpay ni Manny Pacquiao sa salpukan nila ni Miguel Cotto ang nagkuwento sa amin kung bakit naging emosyonal si Jinkee na naging dahilan ng paghagulgol nito habang ginaganap ang misa.

ADVERTISING

Ayon sa aming kaibigan, masyado raw kasing sumentro ang pari sa paksang pampamilya. Kung anu-ano raw ang binanggit ng pari tungkol sa kahalagahan ng pamilya, kaya ganu’n na lang naging kaemosyonal ang misis ng Pambansang Kamao.

“Masyadong nag-grandstanding ‘yung pari, naging masyadong casual ‘yung misa, inuna niyang i-review ‘yung nangyari sa Pacquiao-Cotto fight, para siyang sports analyst na inisa-isa ang nangyari sa laban.

“Ang sumunod naman niyang tinalakay, ‘yung kahalagahan ng pamilya, wala raw kahit anong tagumpay na makapapalit sa isang pamilyang wasak. Kaya ayun tuloy, naging emotional si Jinkee dahil nga sa mga issues na nag-i-involve kay Manny sa ibang babae,” kuwento ng aming kausap.

ADVERTISING

Totoong sinubukang aluin ni Manny ang kanyang misis. Nakunan ‘yun ng mga camera, pero sa halip ay pinalis ni Jinkee ang pamatay na kamay ng kanyang mister at saka umiwas.

“Tao lang naman kasi si Jinkee, naaapektuhan sa mga kuwentong nakararating sa kanya, kaya nagpakatotoo lang siya that time. And dami-dami na kasing kuwentong nakararating sa kanya. Gustung-gusto na niyang kumprontahin si Manny, pero bawal, dahil meron pa nga siyang laban.

“Ganu’n naman palagi kapag may fight si Pacman, sinasabihan sila ni Coach Freddie Roach na walang kahit sinong puwedeng magsabi kay Manny ng mga problemang personal.

“Masisira kasi ang focus niya, kailangang sa fight lang ang concentration niya. Kaya ang mga domestic problems, after the fight na niya kailangang malaman.

“’Yung tungkol kay Krista, ang tagal-tagal na niyang kinikimkim ‘yun, pero walang chance para mapag-usapan nila ni Manny. Maraming bawal, dahil nga sa laban nila ni Cotto.

“E, tapos na ang laban, kaya du’n na bumigay si Jinkee, du’n na nag-sink-in sa kanya ang problema. Tao lang naman kasi siya, sino ba namang wife ang hindi masasaktan sa mga ganu’ng kuwento?” Depensa pa ng aming kaibigan kay Jinkee.

NAGKAKAUMPUKAN NU’NG ISANG gabi ang tatlong aktor na halos kasabayan ni Mat Ranillo III, ang pinakakontrobersiyal na aktor-tatay ng artista ngayon, dahil sa pagkakaugnay ng pangalan ng anak niyang si Krista kay Pacman.

Hindi makapaniwala ang tatlong aktor sa mga lumulutang na kuwento ngayon sa showbiz na mismong ang mag-asawang Mat at Linda Tupaz pa ang kumukunsinti sa kanilang anak para makarelasyon ng kampeong boksingero.

Lalong hindi nila mapaniwalaan ang kumalat na kuwentong binigyan ng suportang pinansiyal ni Pacman ang pamilya, hindi lang dahil sa may planong humalo sa mundo ng pulitika si Mat, kundi dahil baon sa utang ang pamilyang ito.

“Parang hindi ako makapaniwala sa mga kuwento, parang hindi ko ma-imagine na ‘yung mag-asawa pa ang tumo-tolerate sa anak nila sa maling gawain, parang ayoko talagang paniwalaan ‘yun,” sabi ni Actor A.

Susog naman ni Actor B, “That’s right, dahil kapag pinaniwalaan mo ‘yun, parang lumalabas na ang mga magulang pa ni Krista ang naglapit kay Manny, dahil sa pera?

“Parang mahirap talagang paniwalaan ‘yun, lalabas kasi na parang pinabayaan na lang nilang makipagrelasyon si Krista kay Manny for the sake of money. May rhyme ba?” Sabi ni Actor C.

Hanggang hindi nililinaw ng mag-asawa ang kanilang pangalan sa matinding isyung ito ay patuloy silang pag-iisipan ng hindi maganda ng marami.

Masakit pakinggan, pero totoo, pangit ang imaheng ikinakabit ngayon sa pamilya ni Mat Ranillo III.

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

ADVERTISING