Jinkee Pacquiao at Charice: Photoshopped Beauties?

ADVERTISING

Jinkee Pacquiao at Charice: Photoshopped Beauties?

Jinkee Pacquiao at Charice: Photoshopped Beauties?OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka, more fun na naman tayo to the maximum authority of chikka at maloloka ka talaga sa earth! kaya naman habang hindi pa nagsisimula ang chikka ko, don’t make your Monday a blue Monday.

Kumustahin naman natin itong si Jinkee Pacquiao, dahil noong nakaraan 2011 at hanggang ngayong 2012 ay hindi pa rin ako maka-move on sa mga eksenang nangyayari sa kanya. Pak!

Dahil noong 2011, sa pagpaparetoke ni Jinkee, hindi mo talaga siya makilala. Marami nga kasi ang nagsasabi na parang winax nga ang kanyang katawan sa sobrang tingkad ng kutis niya. Kumbaga, over to the highest level, pero punung-puno ng intriga ang kinalabasan.

Naloloka naman ako ngayon sa pinasabog niya, dahil simula pa lang ng taon ay sinabay niya ang paglabas ng magazine niya na talaga namang hindi mo siya makilala. Usong-uso na talaga ang Photoshop ngayon, dahil high-tech na talaga ngayon. Iba talaga ang nagagawa ng editing, ‘di ba? Hindi mo talaga siya makilala.

ADVERTISING

Ang tanong: Ano kaya ang gusyo niyang palabasin sa cover na ‘yun? Sino ba talaga ang ginagaya niya? Kung ako sa kanya, magpapakatotoo na lang ako, kung ano talaga ang hitsura ko ngayon. Kaloka, ‘di ba? Parang sinabi lang nating magpakatotoo na tayo! Hahaha!

 

AT HETO pa ang isang gawa ng Photoshop na kung saan meron ding nailabas na picture itong si Charice. Hindi mo rin ito makikilala. Nakakaloka naman talaga, na kung ano ang lapad ng mukha ni Charice ay biglang naging maliit ang mukha niya. Napabilib din niya ako!

Ang payo ko lang sa kanila, sana hindi sila pumayag nang ganu’n. Kasi, hindi maniniwala ‘yung mga tao sa kanila, ‘di ba, kahit ano pa ang maging eksena?

Pero sa bagay ang nag-edit naman ng picture ang talagang magwawagi. Kasi, ‘yun ang trabaho nila, na maging maaayos ang gawa nila para maging mabenta. Pak!

 

BLIND ITEM: Pak! Pak! Agad! Dahil nakakawindang itong dating sexy actress na napapabalita ngayong naghihirap na. At take note, lahat pala ng mga naipundar niya ay nawala na nang parang bula sa kanya.

Nabalitaan kasi ng ating kaparazzi na noong dati palang nag-taxi siya, kinuha pa niya ang sukli. Nang ma-blind item siya, ‘yung kasa-kasama na niyang bading ang kumukuha ng sukli. Hahaha!

Kahit barya na lang ay pinagtitiyagaan. Kaloka, ‘di ba? Naghihirap na nga siya, at hindi ko kinakaya ‘yan. Kahit bahay raw niya ay nakasanla na yata.

Naku, ‘te… sayang naman. Hahaha! Mahirap magbigay ng clue. Hulaan n’yo na lang kung sino. Kung gusto n’yong itanong, mag-post na lang kayo sa facebook ko for more chikka, more fun! Pak!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING