Jinkee Pacquiao, ‘di halos makilala ni Manny Pacquiao!

ADVERTISING

Jinkee Pacquiao, ‘di halos makilala ni Manny Pacquiao!

Jinkee Pacquiao, ‘di halos makilala ni Manny Pacquiao!

OLA CHIKKA NOW na! Oh, no… oh, yes… now na!!!! Mapapa-yes at mapapa-no ka talaga to the maximum authority of chikka ng nag-iisang yours truly. At kahit ako ay naloloka sa mga chikka na ito. Naku mga kaparazzi, bago magsimula ang balitaktakan at chikkahan ay maloloka ka talaga sa Earth!

Sang-ayon ba kayo sa pagpaparetoke? Naku, ‘te… ok lang namang magparetoke huwag lang bonggang-bongga. Dahil may nag-chikka sa ‘kin na ito palang si Jinkee Pacquiao, dahil sa sobrang retokada na nga ay hindi raw ito nakilala ni Manny Pacquiao nu’ng makita ang billboard niya sa EDSA.

Naku, ‘te… bonggacious naman kasi ang Ate Jinkee mo, na samantalang noon, si Jinkee talaga ang warlang-warla ‘pag si Manny ang umaalis, pero ngayon, ‘te… dahil sa ang bongga na nga ni Jinkee, si Manny na ang dudang-duda sa asawa niya at tsini-check na ang mga pinupuntahan ni Jinkee at ‘te… ang eksena pa rito, pati ang pananamit niya ay sinisita rin ng lolo mo.

ADVERTISING

Naku naman kasi, bakit kasi hinayaan mong bumongga ang asawa mo at talaga namang kahit ikaw ay hindi mo nakilala. Hahaha! At siyempre, sumagot naman nga itong si Jinkee. Ang say niya rito ay ayaw naman daw kasi niyang magmukhang kawawa, or should I say loser ang dating niya, ‘di ba?

 

AT HETO NAMAN ang isa pang bonggang-bonggang chikka na talaga namang kumakalat noon na nagkakagulo itong sina Ate Guy, Kuya Germs, Suzette Ranillo at Lala Aunor. Dahil nga kasi sa mga sked ni Nora Aunor, at sa mga kinikita, ‘te.

‘Eto pala ang version ngayon na talaga namang isa sa mga nakakasama ni Nora at credible na ang masasabi lang daw nila ngayon ay masaya raw sila ngayon, at walang gulong nagaganap, at hindi nila pinapansin ang mga isyung ibinabatikos nila kay Ate Guy. Dinidedma lang daw nila dahil alam naman nilang nasa tama sila… kaya dedmahin na rin natin kung kanino man nagsisimula ang mga intrigang ito? Divaaaaaaaaaa?! Pak!!!

 

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino naman kaya itong bonggacious na ito na sikat na TV host? At ang chikka nga nila ay mukhang fly-fly na nga ito sa ibang station!

Naku, ‘te… ang bongga! Mukhang kaya siya umeeksena ay mukhang nakukutuban din niya ang dyowa niya ay flying away rin. Naku naman, ‘te… lilipad lang ang jowaers, join ka rin? Hahaha!

Obvious naman talagang hindi mo kayang mawala ‘yan sa tabi mo… at masa-sabi mong inlababo ka talaga d’yan. Hahaha! Kalurkey, ikaw na!!! Pak!

 

AYAN FOR MORE chikka, more fun… siyempre nais ko lang ipagmalaki sa inyo ang aking anak na nakakasama ko na sa aking programa sa DWSS 1494 KHZ at siyempre siya na rin ang bagong co-host ko sa DZRH TV. Kanino pa ba magmamana, at siyempre hindi rin siya natatakot magpasabog ng chikka! Ayan, ha?! Makinig kayo, Monday to Friday sa DWSSS 1494 KHZ 11:30-12:00 NN, at sa DZRHTV 666 KHZ, every Sunday, 2:30-3:30 PM. Badjao!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING