Jinkee, nag-react na raw sa Krista Ranillo-Manny Pacquiao rumored link up! – Gorgy’s Park

ADVERTISING

Jinkee, nag-react na raw sa Krista Ranillo-Manny Pacquiao rumored link up! – Gorgy’s ParkMAY NAGKUWENTO SA aming nakarating na raw kay Jinkee Pacquiao ang isyung pagkaka-link ng asawang niya kay Krista Ranillo.

May mga nakarating sa aming kuwentong mga sinasabi raw ni Jinkee pero ayokong isulat dahil haka-haka pa lang naman ‘yun. Hindi ko naman narinig kung talagang sinabi ‘yun ng asawa ni Manny Pacquiao.

ADVERTISING

Ang isa pang ginugulo naman ngayon ay ang matagal nang kasintahan ni Krista na si Direk Dominic Zapata ng “Darna”.

Nang nagkaroon ng press visit sa “Darna” kamakailan lang, todo-iwas ito sa mga reporters na gustong magtanong sa kanya. Hindi raw talaga siya magsasalita at wala raw makukuhang istorya sa kanya kung tungkol kay Krista ang pag-uusapan.

[ad#post-ad-box]

Pero ang nakarating na balita sa amin, matagal na raw silang break ni Krista at may kasunduan daw sila na walang magsasalita tungkol sa kanilang hiwalayan.

ADVERTISING

Maaaring sinusunod lang ni Direk Dom ang usapang ‘yun kahit marami na ang nagsasabing dapat na siyang magsalita dahil pinag-uusapan na itong isyung Manny at Krista.

May mga nagsasabing maaaring pinalalaki lang ito dahil publicity raw ‘yon sa pelikula ni Manny na Wapakman, kung saan kasama roon si Krista.

Pero ayon naman sa ilang mga nagparating ng kuwento sa amin, nasa Amerika na raw si Krista kasama ang buong pamilya para manood ng laban ni Pacman. Alam na kaya ito ni Jinkee?

Meron pang nagkukuwento na kaya walang imik ang pamilya ni Krista dahil nangako raw si Pacman na siya ang sasagot ng campaign fund ni Mat Ranillo III kapag tumakbo na ito sa darating na eleksiyon.

Tahimik si Krista sa isyung ito pero maraming mga lakad si Manny na nakikitang kasama siya. Lahat naman daw ng lakad nito ay alam ni Direk Dom dahil tini-text daw ito sa kanya.

‘Yun ay pawang kuwentong nakarating sa amin. Dapat meron nang magsalita sa kanila para luminaw na ang lahat. Pero kung walang magsasalita at mananatiling tahimik ang lahat sa isyung ito, malamang, may bahid ito ng katotohanan.

NAGSISIMULA NA NGAYON ang international audition ng Starstruck. Katatapos nga lang ng audition nito sa Singapore at Hongkong.

On-going naman ngayon ang sa Middle East at ang susunod ay sa Japan at sa Amerika kung saan magkakaroon sa Los Angeles, San Francisco, California at sa New Jersey.

Kasama si Raymond Gutierrez sa Amerika pero hindi nito tatapusin ang audition sa New Jersey dahil susunod ito sa Europe kung saan magkakaroon ng taping ang Full House nina Richard Gutierrez at Heart Evangelista sa Prague at France.

Maraming nabago sa line-up ng council at pati sa mga host dahil sa matinding re-shuffling ng mga Kapuso stars gawa ng ilang talents na balak pasukin ang pulitika.

Ilan sa mga artistang nakatakda nang mag-file ng candidacy ay sina Sen. Bong Revilla, Richard Gomez, Alfred Vargas at iba pa.

Hindi na sila mapapanood sa GMA 7 pagkatapos nilang mag-file ng candidacy kaya naman pati ang Starstruck ay apektado.

Malapit na ring i-announce kung sino na talaga ang mga nasa council at ang mga hosts sa naturang talent-reality search.

By Gorgy’s Park

ADVERTISING