Jimmy Bondoc, humingi ng dispensa kay Angel Locsin

ADVERTISING

Jimmy Bondoc, humingi ng dispensa kay Angel Locsin

Jimmy Bondoc, humingi ng dispensa kay Angel Locsin
Angel Locsin

NAG-APOLOGIZE at humingi na ng dispensa ang singer na si Jimmy Bondoc sa Kapamilya actress na si Angel Locsin pagkatapos nilang magkaroon ng engkuwentro sa social media nitong mga nagdaang araw.

Si Jimmy ay kasalukuyang nagtatrabaho sa gobyerno bilang PAGCOR Vice President for Corporate Social Responsibility Group.

Idinaan ni Jimmy ang paghingi ng paumanhin sa interbyu sa kanya ni Mocha Uson na ini-upload nito sa kanyang Youtube channel.

 “Una sa lahat, buong-buo po ang respeto ko sa inyo bilang babae, bilang kapwa entertainer,” mensahe ng singer kay Angel.

ADVERTISING

 “Ayoko kasi ng diskusyon na hindi harapan. Diyan po nagmumula ang maraming problema ng bayan natin. Hindi nakukuha ang buong side ni Ma’am Angel, at malamang hindi rin nakukuha yung buong side ko,” dagdag nya.

 Humingi rin siya ng dispensa sa iba pang Kapamilya stars na nasaktan dahil sa controversial post niya tungkol sa ABS-CBN.

 “So ang message ko lang is, kung ano po man yung personal na nasaktan sa kanya du’n sa message ko at sa mga kapwa niyang artista, paumanhin po dahil walang-wala pong ganu’ng patungkol ‘yung aking message,” saad niya.

Nakiusap din ang singer na sana raw ay huwag magalit sa kanya si Angel.

Sey niya, “Ma’am, yun lang po yung point ko ma’am. Wag na kayong magalit sa akin ma’am. Talagang kawawa ako sa mga katulad ninyo, napakasikat ninyo, wala akong laban. Ako po’y hamak na government employee.

“Sorry sa personal na aspeto, pero the professional aspect, sana ho, sagutin nila, hindi po kayo, kasi wala ho akong personal na quarrel kahit kanino sa inyo.”

 

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING