Jimboy Salazar, may malubhang sakit

Jimboy Salazar, may malubhang sakit

Jimboy-SalazarMARCH LAST year nang tumungo ang Startalk sa Pampanga para interbyuhin ang “bumigay” nang si Jimboy Salazar. Kasama niyang nagpainterbyu ang kanyang gay ring lover named John.

Proud ang couple na ianunsyo ang kanilang pagpapakasal, supposedly last March this year, kung saan ang gustong peg ni Jimboy ay isang diwata in an all-white gown sa seremonyang gusto niyang ganapin sa beach.

Kaagad naming napansin (kami ang sumulat ng feature story na ‘yon dahil sa tawag na rin ni Jimboy and via our exchange of PM’s on FB) na malaki ang ibinagsak ng katawan ng dating That’s Entertainment member. We thought Jimboy had a health problem to address.

Last Thursday, nakatanggap kami ng text message from Jimboy, saying that 1.) hindi raw natuloy ang kasal nila ni John as the latter left him for a girl and now stays in Singapore and; 2.) malubha raw ang kanyang sakit.

Mas bothered kami sa pangalawa niyang impormasyon. Ani Jimboy through text, he caught pneumonia and had to be hospitalized. “Tito Ronnie, hindi mo ‘ko makikilala kapag nakita mo ‘ko. Pumayat ang mukha ko,” ayon sa isa pa niyang text message.

From our end, we thought that one way we could be of help was to interview him again. Somehow, makatutulong din ang maliit na TF na ibibigay ng Startalk. Puwede rin naming i-facilitate in case he needed some medical aid.

But his last text message was: “Hindi na po ako magpapa-interview. Ayaw po ng parents ko.”

Kung nagbabasa si Jimboy ng kolum na ito, or any of his kin and friends, nananatiling bukas ang Startalk para sa kanyang kuwento. Sa ganoong paraan man lang—although small—ay maibsan ang kanyang dalahin whatever it may be.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III