Jimboy Salazar, itinangging mayroon siyang AIDS

Jimboy Salazar, itinangging mayroon siyang AIDS

Jimboy-SalazarPINAG-USAPAN NA rin ang kuwento ni Jimboy Salazar na ang sabi, buto’t balat na raw ito.

Hinanap siya ng Startalk, pero tumanggi itong magpakita. Ayaw niyang magpa-interview dahil aminado nga siyang pumayat siya nang husto. Pero hindi naman daw buto’t balat. May konting laman pa naman daw siya, pero ayaw lang muna niyang magpakita.

Itinatanggi pa rin ni Jimboy ang kuwentong may AIDS ito. Sure daw siyang wala siyang AIDS. Nagka-Pneumonia raw siya, na gumaling naman daw siya, pero bumalik nga lang daw ang sakit niya.

Lalo pang lumala dahil wala naman daw siyang pera para sa maintenance kaya hindi pa rin siya gumagaling.

Nakausap ng Startalk si Jimboy via phone patch at mukhang masigla naman ang boses niya, pero pumayat nga raw talaga siya nang husto.

Ang problema nga ni Jimboy, hindi ang tsismis sa kanya, kundi nangangailangan daw siya ng tulong para pantustos sa pagpapagaling niya.

Sana nga raw matulungan na si Jimboy para tuluy-tuloy naman daw ang paggaling niya.

May follow up story pa rin ang Startalk tungkol diyan. Abangan n’yo na lang uli sa Sabado.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis