Jimboy Salazar at Jiro Manio, kapwa nangangailangan ng tulong matapos maligaw nang landas

Jimboy Salazar at Jiro Manio, kapwa nangangailangan ng tulong matapos maligaw nang landas

Jiro-Manio-Jimboy-SalazarGIVEN A string of current showbiz headlines about male celebrities seeking help, hindi namin maiwasang i-juxtapose ang separate cases in which Jiro Manio and Jimboy Salazar are embroiled.

Thanks to a good Samaritan sa katauhan ng isang sikat na komedyana. Sa kabila kasi ng mga batikos that she’s dipping her finger into an issue to gain publicity, she was quick to Jiro’s rescue. Nakaa-upset pa nga ang katuwiran ni Direk Maryo J. de los Reyes na nakatrabaho ni Jiro sa pelikulang Magnifico many years ago, detaching himself from what is supposedly a matter of great concern for a lost boy.

On the other side of the split screen, ‘ika nga, ay ang patuloy na pananaghoy, this time, by a sick boy na si Jimboy. Mid-July this year when Startalk featured what seemed like a running story na nagsimula sa kanyang tuluyan nang pag-amin ng kanyang kasarian, validated ng pagpapainterbyu rin ng kanyang pakakasalan na sanang nobyo only to see Jimboy na malayung-malayo sa kanyang hitsura noon.

Discharged from the hospital at nagpapagaling sa kanilang bahay sa Arayat, Pampanga bunga ng dumapong pneumonia, muling ifineature ng Startalk si Jimboy nitong Sabado. Dahil hindi raw niya kayang humarap sa camera dahil sa patuloy niyang pangangayayat, Jimboy granted a recorded phone patch interview.

Startalk responded to a message sent ng isa palang impostor na nagngangalang Beth Santos na inihihingi ng tulong pinansiyal ang aniya’y buto’t balat nang si Jimboy. The latter, however, denied having known a certain Beth Santos.

We can only commiserate with Jiro and Jimboy, both lost from their mistakes in life. Ang kaibahan nga lang, na kay Jiro na mismo nakasalalay ang ikatutuwid ng kanyang landas while Jimboy needs medical attention.

 

HOW SIGNIFICANT are the terms “reunion” and “reconciliation” as far as Ismol Family is concerned?

Nakatanggap ng high school reunion invitation sina Majay at Bobong sa Facebook. Pero bantulot sa pag-attend si Majay dahil may dalawa siyang classmates na lalaki na nagbubugan over her.

Iba naman ang drama ni Bobong na nagpanggap bilang abogado de campanilla, pero walang naniwala. At si Mama naman na graduate din ng bygone batch ng “mababang paaralan” ang nagpumilit pumunta kahit walang imbitasyon. Nag-perform siya ng iskandalosong Like A Virgin dance number a la Madonna with her equally scandalous partner, Lance.

Nag-reunite din si Bernie at ang reunion organizer na si Lala Laitera. Nabasted na siya dati ni Lala dahil naaamoy nito ang kanyang “deviant” behaviour.

Meanwhile, Ethan longs to reunite with Yumi that he suffers from high fever and hallucination episodes; while Natalia and Lora reconcile from a petty debt quarrel in a hysterical and melodramatic grieving scene.

Abangan ang lahat ng ‘yan ngayong Linggo sa Ismol Family.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III