Jim Paredes at Leo Martinez, binuweltahan by Tita Swarding

ADVERTISING

Jim Paredes at Leo Martinez, binuweltahan by Tita SwardingOLACHIKKA! HALOS PARATI nating naririnig ang mga katagang ito na trabaho lang walang personalan.

Hindi rin tumitigil ang mga tumutuligsa sa batikang direktor at nagmulat sa sambayanang Pilipino sa komiks na si Direk Carlo Caparas. Masyado na ngang pinepersonal ng mga hitad na ito ang husay ng magaling na komiks king. Makikita naman na may karapatan si Direk Carlo Caparas at malaki ang kanyang kontribusyon sa industriya. At hindi lang ‘yan, marami siyang nabigyan ng trabaho, hindi lang mga artista kundi malaking tulong siya sa industriya ng local showbiz. Masyadong below-the-belt ang tira ng mga nagmamagaling na sina Jim Paredes at Leo Martinez at hindi masisikmura dahil labis-labis na ang pamemersonal.

ADVERTISING

MAY NAG-TEXT sa akin galing sa isang Jopel Salazar ng Mariwaya, Marinduque na nagsabing dapat magtigil na ang dalawang ‘yan. “Wala silang naitulong sa industriya at sa mga massacre victims. Kung makatuligsa parang hindi rin kakutya-kutya ang mga buhay nila at hitsura. Silang mga walang trabaho pa ang may lakas ng loob na manuligsa sa karapat-dapat na maging National Artist. Marami pang natulungan, tita, si direk Carlo in and out showbiz at may mga scholars pa ‘yan, tita. Mismong kapatid ko ay napapa-aral niya. From komiks to movies,now on TV, tita, napahanga niya ang lahat.Ang dalawang ito, ‘kala mo may kakayahan, wala naman.Mga malalaking artista pa nga sumusuporta kay direk Carlo at nabigyan niya ng magandang proyekto.Sila,wala, ‘di ba?”

Hmmm…. no comment ako diyan. Naku, mukhang tama nga naman itong nag-text sa akin. Naku, abangan ‘yan. ‘Yun na!

Read Tita Swarding’s Blind Item: Aktress, nagpapakayaman gamit ang pondo ng gobyerno

ADVERTISING

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING