Jillian Ward, hindi pinapabayaan ang pag-aaral

ADVERTISING

Jillian Ward, hindi pinapabayaan ang pag-aaral

Jillian Ward, hindi pinapabayaan ang pag-aaral
Jillian Ward

DALAGA NA talaga ang child actress na si Jillian Ward.

The last time na nakita ko siya ay sa isang event or party yata yun na ipinakilala ng publicist-manager niya na si Joe Barrameda. Tulad ng pangkaraniwang bata ay makulit, bibo at maliksi si Jillian noon.

 Now, ibang-iba na si Jillian. Hindi mo na nga siya makikilala dahil iba na nga ang itsura. Nakasuot ng salamin para sa nagsisimulang problema ng kanyang astigmatism.

Isa sa mga “teens” ng GMA Artists Center si Jillian na ngayon ay napapanood every Sunday sa GMA fantasy show na “Daig Kayo ng Lola Ko” na mala-Lola Basyang ang premise na bida ang veteran actress na si Gloria Romero. Isa si Jillian sa mga regular na lumalabas na teens ng show. “Every week po may ibang mga guest. Every week may ibang kuwento pero ako po, yong role ko, isa sa mga apo ni Tita Gloria,” sabi ng dalaga sa amin.

ADVERTISING

“Dati po kasama ako sa Super Ma’am with Ate Marian (Rivera). Isa po ako doon sa mga Super Kids,” kuwento ng dalaga sa amin sa birthday party ng entertainment reporter na si Rommel Placente last night.

Nagtapos na ang Super Ma’am last January na ang naiwanan na show na lang ni Jillian ay itong sa kanila ni Miss Gloria Romero na mas nauna pa nagsimula mapanood kaysa sa show niya with Marian.

Sa katunayan, nasa awkward stage ngayon si Jillian sa estado niya sa showbiz.

Hindi siya ma-classify na bata. Hindi rin siya ma-classify na dalaga na puwede hanapan ng ka-loveteam dahil sa alangan niyang edad.

Pero bilib ako kay Jillian dahil sa kabila ng kabisihan niya sa trabaho bilang artista, never siya nag-skip ng kanyang home studies kung saan naka-enroll siya sa Westfield International Montessori sa may bandang Clark. Taga Pampanga ang parents ng dalaga.

Sa darating na pasukan ay first year high school na si Jillian na sa bagong curriculum ng Department of Education ay grade 7 na siya.

 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING