Jillian Ward, gustong maging negosyante

ADVERTISING

Jillian Ward, gustong maging negosyante

Jillian-WardDALAGITA NA ang dating child wonder na si Jillian Ward na kasama sa newest Kapuso soap na My BFF kabituin sina Manilyn Reynes, Janno Gibbs, Hiro Magalona Peralta, Mona Louis Rey, atbp.

ADVERTISING

Bukod nga sa galing sa pag-arte, magaling na ring umawit si Jillian na nag-a-undergo ng voice lesson dahil hilig pala nito ang pagkanta at nagnanais ding magkaroon ng sariling album in the near future.

Bukod nga sa pagiging actress/singer, gusto rin daw nitong magkaroon ng sariling negosyo at maging successful business woman at ang pagkakaroon daw ng sariling restaurant ang negosyong gusto nitong itatag kahit bata pa siya, kaya naman daw gusto nitong parating may trabaho para makaipon sa kanyang pinapangarap na negosyo.

 

ADVERTISING

NAGING MATAGUMPAY ang katatapos na show ng mga kaibigang sina Bestfriend Jireh at Ms. Mj na ginanap sa Ever Gotesco Ortigas last May 31, kung saan nagsilbing espesyal na panauhin at talaga namang dinumog ng ‘di mabilang na tao ang tambalang JaBea nian Jake Vargas at Bea Binene.

Hindi rin magkamayaw sa hiyawan ang mga tao nang mag-perform ang ilan pang Kapuso stars na sina Katrina Halili na super sexy pa rin at hindi mo iisiping may isa nang anak, Kapuso tweens na sina Teejay Marquez, Ruru Madrid, Yassi Pressman, Julian Trono, Aki Torio at ang boy group na 4G na kinabibilangan nina Shaun Salvador, Ken Sarmiento, Kristian Genasky, at Pau Dela Cruz.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING