Jillian Ward, binitiwan na ng manager dahil sa isyu ng commission

ADVERTISING

Jillian Ward, binitiwan na ng manager dahil sa isyu ng commission

Jillian-WardBINITAWAN NA nga ng kanyang manager itong batang aktres na si Jillian Ward. Yes, komisyon na unang dahilan. Ikaw ba naman ang bigyan na lamang ng 5 percent ng ina ni Jillian. Minabuti na ng kaibigang Joe Barameda na bitawan na ang said child star.
Kesa nga naman ma-stress nang madalas itong si Joe, kaya walang kaabog-abog ang kanyang naging desisyon.
Maraming beses na ang pagtitimpi ni manager kaya naman tinapos na niya ang lahat. Sabi nga, may simula at may katapusan.
NATUTUWA KAMI sa bagong grupong After Four Band dahil nga finally ay may major concert na sila, ang “Pangarap, Ito Na” sa Teatrino, Greenhills, San Juan. Guests sina Princess Velasco, Lloyd Umali, Richard Reynoso, Lilet, Rhen Escano at Isabel Granada. For tickets, call Ticketworld at 8919999. Produced by Ace and Marla David.

ADVERTISING

 

Movie producer, ninakawan ng P175-M ng kaanak


SINO ITONG
movie producer na nanakawan ng humigit-kumulang sa P175 million ng isang kaanak?
Na-transfer ang pera ni produ sa bank book ng isang kaaanak. Super problematic nga raw ngayon ang bida natin sa blind item. Kakalokah…
Handang idemanda ni produ ang kaanak na nanloko sa kanya…

ADVERTISING

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

ADVERTISING