Jhong Hilario, nagpasilip ng kadakilaan!

ADVERTISING

Jhong Hilario, nagpasilip ng kadakilaan!

Jhong Hilario, nagpasilip ng kadakilaan!NAPAKAINIT NG panahon at talagang sumasabay naman itong napakainit ding isyu ngayon kay Jhong Hilario. Nu’ng April 16 kasi ay nag-post siya ng collage pictures sa kanyang Instagram, kung saan ipinagmamalaki niya ang hotel na tinuluyan nila ng mga kaibigan niya sa Boracay.

May-I-pose sa bath tub si Jhong kung saan “something” was seen up there. Akala siguro ni Jhong ay ‘yung latag lang ng mga binti niya ang makukunan, pero hindi, eh. Ito’y agad na nawala sa kanyang mga pics, dahil agad din niyang dinelete.

Hahahaha!

Akala siguro ng lahat, si Kitty lang ang naghe-hello! Pati rin ang kanyang tweety bird, nag-hello! Hahahaha! Juice ko po! Fiestang-fiesta ang mga kabaklaan, dahil kahit “ulo ng gapo” lang ang na-sight ay choosy pa ba?

ADVERTISING

Sabi pa ng aming friend, “In fairness, ulo pa lang, daks na ang kay Jhong. What more ‘yung katawan pa ang mag-hello, ‘di ba? Juice ko, isang umaatikabong celebration ‘yon sa gay community. Hahahaha!”

Pero ewan kung ito’y aaminin o idedenay ni Jhong. Kung hindi kami nagkakamali, baka nga ito’y idenay niyang kanya, kaya gusto na lang naming intindihin. Pero ‘pag ito’y inamin niya eh, lalong angat ang kredibilidad niya sa amin.

Paano nga kaya kung biglang may lumapit na reporter kay Jhong at itanong ang tungkol dito?

Jhong Hilario, nagpasilip ng kadakilaan!“Ba’t ka nag-pose na kita ang notes mo?”

“No, hindi akin ‘yan. Biruan lang ng barkada ‘yan.”

“So, sa barkada mo ‘yon?”

“Oo, nag-aasaran lang kami. Pero dinelete ko rin kasi pinagpipistahan na, eh!”

“Mamatay man, hindi iyo ‘yon?”

“’Wag naman. Marami pa ‘kong pangarap sa buhay!”

So, let’s wait and see na lang ang ating drama kung aaminin o hindi ito ni Jhong. Pero kung gusto niya akong magmahadera, eh sasabihin kong akuin na niyang kanya ‘yon. Daks naman, eh.

Hahahaha!

 

ANG HIRAP ng lagay ng magkapatid na Gretchen at Marjorie Barretto, dahil ‘yung inaaway nila sa Instagram ay hindi sila sure kung si Claudine Barretto nga, dahil iba ang pangalang nakarehistro.

Hindi na para isa-isahin pa namin kung ano ang “talakan issue” sa Instagram, pero ang punto roon ay hindi nga sure kung si Claude ang taong nagtatago sa isang username.

Saka if ever si Claudine nga ‘yon, parang nalulungkot kami para sa magkakapatid na ito. Kailangan talagang mag-away sa Instagram? Hindi ba puwedeng magkumprontasyon na lang sila, tutal, magkakadugo naman sila?

O, kung gusto man nilang magsabunutan, baka puwedeng sila-sila na lang ang magkaalaman, ‘di ba?

Nakalulungkot lang na balik na naman sila sa dating gawi na baka nga eventually, pumasok na naman sa eksena si Mommy Inday at ito na naman ang makiusap on national TV na sana’y itigil na ang bangayan nila, dahil ang ending, ang buong pamilya din ang maaapektuhan at masa-subject pa silang lahat to public judgment.

What do you think?

 

SA TWITTER naman, hindi pa rin nawawala ang mga bashers namin. Talagang you cannot please everybody, kaya naman, tinatrato na lang namin siyang 3 meals a day: almusal, tanghalian at hapunan. Hahaha!

Hindi na para magpaapekto pa kami. Dati nga ay ipinaggigiitan namin ang aming opinyon sa isang singer. Ngayon, nasaan na ba ang singer? Nasa kabilang daigdig na ng kanyang sexual preference.

Ganumpaman, hindi para husgahan namin siya sa pinili niyang kasarian. Ang importante naman doon ay masaya siya sa kanyang choice. Kaso nga, hindi type ng mga naniniwala sa kanyang talent ang pagbabagong-anyong ginawa niya sa sarili, eh.

Kami rin, actually. Kung hihingin ang opinyon namin, mas gusto namin ‘yung dating siya.

‘Yun lang.

 Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING