Jhong Hilario, binisita rin si Jam Sebastian ng Jamich

Jhong Hilario, binisita rin si Jam Sebastian ng Jamich

Jhong-Hilario-Yexel-Sebastian-Jam-SebastianPUMASYAL SI Vice Ganda sa St. Luke’s Hospital para bisitahin ang YouTube sensation na si Jam Sebastian ng Jamich na ilang buwan na ring nasa ospital at nakikipaglaban sa sakit na lung cancer na nagbigay ng ngiti at saya kay Jam.
Kaya naman nagpahayag ng pasasalamat kay Vice Ganda ang nakatatandang kapatid nito na si Yexel Sebastian.

“Sobrang salamat Vice, sobrang saya niya (Jam) na makita ka. Dahil kada tanghali, (It’s) Showtime lang ang panglibang niya sa mahabang panahon na nakahiga sa kama. God bless you nang marami. Maraming, maraming, maraming salamat,” sabi ni Yexel.
Bukod kay Vice Ganda, isa pang It’s Showtime host at member ng Street Boys ang dumalaw kay Jam, at ito ay si Jhong Hilario kasama ang kanyang pamilya.
Post nga ni Yexel sa kanyang FB account: “Salamat, Kuya Jhong and Ate Maia and whole family. Kahit Busy kayo ay nakapagbigay kayo ng oras. God bless =)”
Nag-post din ito ng magandang balita kaugnay sa kalagayan ni Jam.
“Sa mga oras na ito ay milagro ang nangyayari kay Jam. GRABE KA LORD! Ang hirap paniwalaan, maraming salamat po. Wala pong kapantay ang pagmamahal at hiwaga n’yo.”

John’s Point
by John Fontanilla