Jewel Mische, tanggap ang pagiging “GF sa dilim” ni Richard Gutierrez? – Gorgy’s Park

Jewel Mische, tanggap ang pagiging “GF sa dilim” ni Richard Gutierrez? – Gorgy’s ParkABALA NGAYON SINA Ogie Alcasid at Regine Velasquez sa malaking project na binubuo nila.

Ito ‘yung Kaya Natin Ito benefit concert na gagawin nila sa November 14 sa Araneta Coliseum

Hindi ko lang nakumpirma, pero ang latest na narinig ko, ililipat na raw nila ito sa December 5 dahil ayaw na nilang sumabay sa malaking concert din nina Kate Perry at David Archuleta sa November 14 din na gagawin naman sa SM Mall of Asia.

Pero talagang nagkakaisa rito ang mga OPM artist kaya malaking show ito na ang pakay ay para sa mga nabiktima ng bagyong Ondoy at pati na rin itong sa Pepeng.

Meron pang ginawa si Ogie na awiting “Kaya Natin Ito” na kakantahin nilang mga OPM artist at kung matutuloy, bukas na raw sila magre-record.

Mala-”We Are the World” ang drama nila rito dahil sa panahon ngayon ay kailangan daw magtulung-tulong para muling makabangon sa trahedyang sinapit ng ating mga kababayan.

[ad#post-ad-box]

May mga commitments pa si Ogie sa ibang bansa kaya ang abala sa pag-asikaso nito ay si Regine na siyang tumatayong producer nito.

Mabuti nga’t okay na raw ngayon si Regine dahil nitong mga nagdaang araw ay naging masasakitin din ito dahil sa matinding migraine na umatake sa kanya.

“Medyo unbearable lang ngayon kapag inaatake siya ng migraine kaya minsan dinala ko siya sa hospital dahil hindi na niya kaya ang sobrang sakit ng ulo. But she’s okay now. Kasi ang dami pa niyang gagawin,” kuwento ni Ogie.

Ang dami pang mga benefit show na ginagawa ngayon para makapaglikom ng sapat na halaga na ibibigay na tulong sa mga nasalanta ng bagyo.

Very high ang spirit ngayon ng mga artist na tumulong para pagdating naman ng Pasko, masaya na sana ang lahat.

TALAGANG HINDI NA pinatulan nina Richard Gutierrez ang isyung nangyari sa airport ng Cebu Pacific nung umalis sila ni Jewel Mische patungong Kuala Lumpur.

Pati si Jewel ay tahimik na rin at pati nga mga taga-GMA Artist Center ay hindi ito sinasagot dahil ayaw na talaga nitong magsalita tungkol sa isyung iyun.

Very visible ngayon si Richard sa promo ng Patient X na magsu-showing na sa October 28, pero tungkol sa mga multo na nagpakita sa shooting nila ang pinag-usapan at dedma talaga iyung insidente sa Cebu Pacific.

Iyun nga naman ang mabisang paraan para hindi na lumaki ang isyu, dedmahin na lang at huwag nang pag-usapan.

Ang Cebu Pacific ay tahimik din dahil base sa pag-analisa namin sa mga pangyayari, mukhang may pagkukulang din sila.

Masusundan pa kaya uli ang biyahe nina Richard at Jewel?

In fairness, parang mahal talaga nila ang isa’t-isa dahil tahimik lang sila at iniiwasan nilang mapag-usapan ito.

Ang mahalaga naman masaya sila sa kanilang relasyon at labas na iyun sa showbiz career nilang dalawa.

Sana naman mabigyan ng magandang project si Jewel para hindi lang tungkol sa relasyon nila ni Richard ang kinakalkal dahil tanggap naman siguro nitong para na siyang ‘girlfriend sa dilim’ ng aktor.

By Gorgy’s Park