Jewel Mische, hawak na ni Annabelle Rama – Eddie Littlefield

ADVERTISING

Jewel Mische, hawak na ni Annabelle Rama - Eddie LittlefieldJewel Mische, hawak na ni Annabelle Rama - Eddie LittlefieldHINDI MAN AMININ nina Richard Gutierrez at Jewel Mische ang tunay nilang relasyon, patuloy pa rin ang bulung-bulungan na may romansang namamagitan sa kanilang dalawa. Ilang beses na silang napagkikitang magkasama sa mga lakaran at out-of-town’s. Wala kang maririnig na pag-amin mula sa kanila kung ano na ang real score.

Ayon sa aming reliable source, totoo palang magdyowa na sina Richard at Jewel. Ang dalaga pa nga raw mismo ang nagsabing sila na nga. Madalas bumisita ang actor sa condo ng dalaga, kung minsan pa nga raw du’n na ito nagpapalipas ng gabi.

ADVERTISING

Seryosong totoo ang silent romance nina Chard at Jewel, tsika pa sa amin. Walang masama kung tunay nga silang nagmamahalan. Kaso nga, hindi makatutulong sa showbiz career ni Richard ang pakikipagmabutihan niya kay Jewel. Bagkus, hihilahin lang daw siya nito paibaba. I’m sure, hindi papayag si Annabelle Rama na mangyari ito sa kanyang anak.

[ad#post-ad-box]

Sa mga interview kay Richard, never napag-usapan ang pagiging super close nila ni Jewel. Maging si Annabelle ay tutol sa kanilang relasyon, wala itong magawa dahil alam niya mahal ni RG si Jewel. Ang tanong, palagi na lang bang hide sa dilim ang drama ni JM?

Ang tsika pa nga, si Annabelle na raw ngayon ang manager ni Jewel. Sa labis na pagmamahal nga raw ni Jewel sa actor, tanggap na niya kahit bansagan siyang “Girlfriend sa Dilim” ni ‘Chard. Very understanding nga raw si Jewel at very supportive kaya lalo itong napapamahal sa binata, say pa ng aming source.

ADVERTISING

Nagiging vocal lang daw si Jewel sa relationship nila ni Richard kapag non-showbiz friends na ang kausap nito. Doon lang nailalabas ng young star ang tunay niyang saloobin sa guwapong actor kapag kasama na niya ang kanyang mga kaibigan, dugtong pang kuwento sa amin.

Tinanong nga si Jewel kung hindi siya nakaramdam ng pagseselos sa balitang nagkasarilinan sina Cristine Reyes at Richard habang ginagawa nila ang Patient X. “Kung kay KC Concepcion nga hindi ako nagselos kay Cristine pa!” mabilis na sabi ni Jewel na very confident sa kanyang sarili na siya lang ang mahal ni Richard Gutierrez.

ISANG MALUTONG NA halakhak ang naging tugon ni Malu Barry ng tanungin namin siya kung totoong na-take home niya si Jomari Yllana sa birthday party ni Maryo J. de los Reyes. “Matagal ko nang kaibigan si Joe, kung nakita man kaming super close ng gabing ‘yun, ganu’n talaga kami sa isa’t isa. Wala akong pakialam kung bigyang kulay ‘yung relationship namin. At saka, wala namang girlfriend ngayon si Jomari at single naman ako so, ano’ng problema?” diretsong pahayag ng singer/actress.

Nakakaloka talaga itong si Malu, minsan lang umeksena gumawa pa ng controversy. Tuloy, nasapawan niya ‘yung negative issue about Baron Geisler. Nagmumura pa rin kasi ang beauty ni MB, ang boses – nakakaloka, mai-in love kang talaga! I’m sure, ikababaliw ninyo sa tuwa ang comebacking show ni Malu na Falling in Love…Malu Barry on November 21, Saturday, 8 P.M. at Chef & Brewer Cafe Resto, Emerald Avenue, Pasig City.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING