Jessy Mendiola, umamin na sa dahilan ng hiwalayan nila ni JM de Guzman

ADVERTISING

Jessy Mendiola, umamin na sa dahilan ng hiwalayan nila ni JM de Guzman

Jessy-MendiolaSA PAG-AMIN ni Jessy Mendiola na hiwalay na sila ng kasintahang si JM de Guzman pagkatapos nilang magkabalikan nang halos kalahating taon, hindi ang tungkol sa isyu ng drugs ang sinabi niyang dahilan ng break-up nila.

Ayon sa dalaga na kasama sa cast ng gag show na Banana Sundae na magsisimula na on Nov. 15, priorities ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.

“May mga priorities ako at siya na dapat muna naming unahin at saka siguro, hanggang do’n na lang talaga ‘yung relasyon namin,” katwiran pa niya.

Nagkakausap pa rin naman daw sila paminsan-minsan ni JM, pero hindi na nagkikita. “Amazing” person naman ang description niya sa ex-boyfriend at pagdating sa work, very passionate daw ito.

ADVERTISING

Sa tono ng pananalita ni Jessy, halatang mahal pa rin niya si JM. ‘Yon nga lang, it has to end kasi nga, meron silang dapat i-prioritize especially Jessy na bukod sa Banana Sundae ay meron pang teleserye na You’re My Home.

Well, time heal all wounds naman daw kaya pasasaan ba’t makamu-move-on din si Jessy.

On JM’s part, hindi na rin namin ito nakauusap. Ang huli naming balita ay nagpakalbo raw ito. Pero hindi kami sure kung si Jessy ang dahilan no’n.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING