Jessy Mendiola pinaglaruan na naman sa social media

ADVERTISING

Jessy Mendiola pinaglaruan na naman sa social media

Jessy Mendiola With Angel Locsin, Jennylyn Mercado, Marian Rivera, And Pia Wurtzbach
Jessy Mendiola With Angel Locsin, Jennylyn Mercado, Marian Rivera, And Pia Wurtzbach

Hindi na yata titigilan ng kanyang bashers ang tinanghal na Most Sexiest Woman ng FHM 2016 na si Jessy Mendiola , dahil after paglaruan at lait-laitin ang hita nito through social media kamakailan nang rumampa ito sa victory party ng FHM, meron na naman itong viral picture.
Pinagpapasa-pasahan ang litrato nitong kuha during FHM Victory Party at sinamahan ng litrato nina Angel Locsin, Jennylyn Mercado, Marian Rivera, at Pia Wurtzbach na tumatawa na para bang pinagtatawanan si Jessy Mendiola.
Maaalalang ‘di naiwasang maikumpara si Jessy sa iba pang naging most sexiest ng FHM na sina Jennylyn, Marian, at Angel na ‘di hamak daw na mas sexy at mas deserving kay Jessy na pinag-ugatan ng galit ng mother ni Jessy at sinagot ang bashers nito.
At maging si Jessy nga ay nagsalita at sinagot ang kanyang bashers para ipagtanggol ang kanyang sarili.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING