Jessy Mendiola, natatawa lang sa isyu na buntis siya; nanay, super react

Jessy Mendiola, natatawa lang sa isyu na buntis siya; nanay, super react

Jessy-MendiolaALMOST THREE weeks ago, naging usap-usapan ang isyung buntis diumano si Jessy Mendiola at ang itinuturong ama ng bata na nasa kanyang sinapupunan ay walang iba kundi si JM de Guzman.

Sa edad na 22 years old, sa panahon na ang mga babae ngayon ay very career oriented, sablay ang tsika. In short, hindi totoong buntis ang dalaga.

Natatawang pahayag ng sexy na si Jessy, “Hindi ko nga alam na may balitang preggy ako ngayon. Bakit kaya? Siguro kasi mas malaman ako ngayon. Iba na pala ngayon, kasi mas nauuna pang malaman ng iba na buntis ka kesa sa sarili mo.”

Kung si Jessy ay cool lang ang reaction sa ‘buntis issue’, ang ina ni Jessy ang super react na pinatulan ang mga nagtatanong sa anak tungkol sa katotohanan ng mga usap-usapan.

Reaksyon ng ina ni Jessy sa mga nagtatanong, “No, it’s not true… ang hilig niyo manira… ‘di na nga nagsasalita sa mga nangyayari na di naman niya kagagawan… ngayon naman gusto nyo sisiraan ng kung anu anu taking advantage lang

“Whats new with all of you? Get a life. Alam ko kung kanino kampo ‘yan! Ingat lang baka ikasira niyo na ‘yan ng tuluyan… ‘pag ako magpakalat gusto ko yung totoo… mga hijas and hijos. Kawawa yan sa akin!! Sarap niyo lang patulan.”

Reyted K
By RK VillaCorta