Jessy Mendiola, nakadidismaya ang pagrampa sa event ng men’s magazine

ADVERTISING

Jessy Mendiola, nakadidismaya ang pagrampa sa event ng men's magazine

Jessy Mendiola
Jessy Mendiola

Nairaos na at natapos na ang pagrampa ng 100 Sexiest Women in the Philippines na pa-contest ng isang men’s magazine kamakailan.

ADVERTISING

Pero ang pinili nila as the Sexiest Woman in the Philippines na si Jessy Mendiola ay tila mali yata ang naging choice ng editorial team at ang boto ng kanilang mga readers.

Kung pagbabasehan ‘yong kuhang picture ni Jessy noon na pasilip siya na almost half-naked na natatakpan lang ang kanyang boobs habang nakasuot ng red bikini panty (sa Boracy yata ‘yun kuha), na kung tama ang info sa akin na it was JC de Vera ang kumuha ng photo na ‘yun, kabaliktaran naman ang tumambad sa runway ng pa-contest ng sexy magazine noong gabing ‘yun.

Waley epek. Walang dating at nakatatawa lang na siyang reaksyon sa social media tungkol sa itsura ng dalaga.

ADVERTISING

Nang tawagin ang name ni Jessy, laking dismaya ng kalalakihan na siyang karamahin sa crowd noong gabing ‘yun sa itsura ni Jessy na parang losyang na naiwanan sa kusina na kabaliktaran kung ano ‘yong picture niya na naging viral sa social media na naka-red bikini panty at red lipstick lang, na kahit beki kami ay na-appreciate namin ang kaseksihan ni Jessy bilang babae.

“Ang laki ng hita. Patang-pata,” reaksyon ng isa sa mga nagkomento tungkol sa picture ni Jess na lumabas na kumakalat sa social media ngayon. Isang one piece na red body hugging outfi with fringes na sequence at beads na nakapalamuti at nakapaikot sa kanyang mga namumutok na hita.

Sana pinaghandaan man lang ni Jessy ang okasyon, dahil sa totoo lang, super seksi siya kapag nakabagsak ang kanyang long hair with soft curl at naka-red lipstick lang na ang mukha niya ay tunay na nakae-elya sa kalalakihan.

Nang makita ko ang picture na ‘yun ni Jessy na kuha noong event, isa lang ang tanong ko. Si Jessy Mendiola ba ‘yun? O baka mali lang ang anggulo ng pagkakuha sa dalaga?

Sige, for sure, magre-react na naman Luis Manzano nito. Tutal peg naman niya na maging komentarista pagdating sa lahat ng usapin, lalo pa’t “love” niya si Jessy at tipong isa sa mga akmang subject na alam kong interesado si Luis ay tungkol sa “Kagandahan at Beauty Tips” gayong dead na si Jun Encarnacion. Pasok!

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING