Jessy Mendiola, nagmaldita kay Direk Wenn Deramas

ADVERTISING

Jessy Mendiola, nagmaldita kay Direk Wenn Deramas

Jessy-MendiolaBUONG AKALA namin ay mabait itong si Jessy Mendiola, ‘yun pala ay isang maldita. Puro negative ang naririnig naming feedback tungkol sa kanya. May attitude problema na raw ang dalaga. May nakausap nga kaming writer ng teleseryeng pinagbibidahan ng dalaga. Sinabi nito ayaw na nilang makatrabaho si Jessy. Ibang klase raw ang bahavior nito sa set. Feeling star kahit wala pa namang napatutunayan. Kahit nagbida na ito sa mga serye ng Kapamilya Network, starlet pa rin ang tingin ng nakararami. Hindi naman ganu’n kagaling umarte, pati nga pagdi-deliver ng dialogue parang wala lang, iisa ang tono. Hindi mo maramdaman ang present niya on TV screen.

Pati nga si Wenn Deramas na nananahimik ay ginawan ng issue nitong si Jessy Mendiola. Alam kaya ng starlet na ito kung gaano siya puri-purihin ni Direk sa press? Happy kasi ito sa pagbibida niya sa Maria Merdes ng ABS-CBN. Ito ang kuwento, sa presscon ni Jessy, may nagtanong sa hitad kung gusto niyang makatrabaho si Direk Wenn? Ang sagot ng bobita, “No comment.” Naintriga tuloy ang press kaya’t agad tinawagan ng reporter ang box-office director para sabihin ang naging reaction ni Jessy nang banggitin ang pangalan niya sa media. Diretsong tinanong si Direk Wenn kung may hidwaan nga ba sila ng starlet? “Wala kaming issue ni Jessy,” mabilis na sagot ni Direk Wenn. “Ngayon siguro mayroon na dahil sa kanya,” dugtong pang sabi niya.

Nakakaloka itong si Jessy, nagka-amnesia yata siya kaya nalimutan na niyang si Direk Wenn ang unang nagbigay sa kanya ng break sa pelikulang Volta ni Ai-Ai delas Alas at tumulong sa kanyang makapasok sa ABS sa pakiusap ng yumaong ina nito na tulungan siyang maging artista. Kung hindi pa nakiusap ang mother ni Jessy sa butihing nanay ni Direk Wenn, hindi siya magiging artista.

Kahit nga saang okasyon magkita sina Direk Wenn at Jessy, wala man lang pagbati o pagbibigay-respeto sa magaling na director itong starlet. Ang ganitong klase ng tao na walang utang na loob ay walang mararating. Kung dati-rati, pawang positive write-up ang madalas kong isulat kay Jessy Mendiola at pawang papuri tungkol sa kanya, nabulag lang pala ako ng kanyang pagkukunwaring pag-uugali. Plastikera pala ang babaeng ito. Tapos ngayon sasabihin niyang natatakot daw siya kay Direk Wenn. Anong kadramahan ang gustong palabasin ng starlet na ito?

ADVERTISING

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING