Jessy Mendiola, malabo nang maagaw kay Angel Locsin ang pagiging Darna

ADVERTISING

 alt=

Jessy Mendiola & Angel Locsin
Jessy Mendiola & Angel Locsin

Malabo na nga yatang makuha ni Jessy Mendiola ang role ng Darna sa muling pagsasapelikula nito. Mukha kasing hindi ma-imagine ng mga executive ng ABS-CBN na hindi si Angel Locsin ang gaganap sa iconic super hero na likha ni Mars Ravelo.

Nakatakdang ipalabas ang Darna movie sa 2017, at matapos ang ilang taong paghihintay at ispekulasyon sa kung sino ang gaganap sa title role, kumpirmado na ngang muling gaganapan ni Angel ang papel na Darna na nagpasikat sa kanya nang gampanan niya ang role sa TV series ng GMA noong 2005.

Naging matunog ang pangalan ni Jessy na mag-Darna, lalo pa’t tinanghal ang aktres na sexiest woman ng isang men’s magazine ngayong taon. Ito ay matapos maunang mag-back out noon si Angel nang magkaroon siya ng back injuries, kung saan natigil din ang preparasyon para sa pelikula.

Bukod kay Jessy, ilang pang pangalan ang lumutang para gumanap na Darna. Kabilang ditto sina Liza Soberano, Pia Wurtzbach, Nadine Lustre, Maja Salvador, at Kim Chiu.

ADVERTISING

Lalong uminit ang pagtatalo at excitement nang maglabas ng teaser si Direk Erik Matti sa social media, pero marami pa rin ang umaasang si Angel pa rin ang magiging Darna.

Ngayong maayos na ulit ang kalusugan ni Angel, at may clearance na mula sa kanyang doktor para gawin ang pelikula, wala na ngang makapipigil pa sa muling paglipad ng aktres.

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

ADVERTISING