Jessy Mendiola, karangalan daw makatrabaho sina Dawn Zulueta at Richard Gomez

ADVERTISING

Jessy Mendiola, karangalan daw makatrabaho sina Dawn Zulueta at Richard Gomez

Jessy-MendiolaMALAKING KARANGALAN daw para kay Jessy Mendiola ang makatrabaho sa teleserye sina Dawn Zulueta at Richard Gomez, kung saan ginagampanan nito ang role ng anak nina Dawn Zulueta at Richard Gomez sa serye.
Alam daw ni Jessy na marami siyang matututunan pagdating sa pag-arte kina Dawn at Richard na parehong award-winning actors.
Bukod kina Dawn at Richard, kasama rin sa casts ng bagong serye sa Dos sina Paul Salas, Mika Dela Cruz, Assunta De Rossi, Precious Lara Quigaman, Sam Concepcion, atbp. At ito’y sa mahusay na direksiyon ni Jerry Lopez Sineneng at magsisimula nang mapanood sa November 9 sa Primetime Bida.

ADVERTISING

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING