Jessy Mendiola at JM de Guzman, okay na ang relasyon

ADVERTISING

Jessy Mendiola at JM de Guzman, okay na ang relasyon

Jessy-Mendiola-JM-de-GuzmanHINDI NAMAN itinatanggi ni Jessy Mendiolo nang makausap sa presscon ng The Trial with Gretchen Barretto, Enrique Gil at John Lloyd Cruz sa direction ni Chito Roño under Star Cinema na okey na raw uli ang “relasyon” nila ngayon ng ex-boyfriend na si JM de Guzman.

Ayon kay Jessy, ikinagulat daw niya nang makita niyang nagdya-jogging sa UP si JM at naging masaya naman daw siya dahil nawala na ang bad momeries na nangyari makalipas ang dalawang taon.

Tsika pa ng sexy at mestisang actress na nagpunta rin daw siya sa birthday celebration ni JM dahil na rin daw sa imbitasyon ng mga kaibigan nila.

Nahiya at nanghina raw siya nang papasok na siya dahil nandoon ang mga pamilya ng ex-boyfriend pero napilit din siya ng mga kaibigan na pumasok. Natural daw na nagulat si JM nang makita siya at doon na raw naging okey na sila ng ex-boyfriend.

ADVERTISING

Samantalang itinanggi ni Jessy na walang magseselos sa ginawa nilang love scene ni John Lloyd Cruz sa The Trial. Pagkatapos daw kasi nilang maghiwalay ni JM, wala na siyang naging karelasyon. Nasaktan daw kasi siya nang sobrang kaya hindi raw ganoon kadali na magmahal siya muli.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING