Jessy Mendiola, inaalipusta

ADVERTISING

Jessy Mendiola, inaalipusta

Jessy-MendiolaNAKATIKIM DIN daw ng pag-aalipusta si Jessy Mendiola sa mga basher nang mabalita ang tungkol diumano sa pagtataray o pagmamaldita nito sa isang airport. Ang mga ganitong isyu raw ay hindi na raw bago kay Jessy.

Pinuri naman si Jessy ng mga kaibigan dahil sa pagiging mabait, accommodating at pleasant sa lahat ng tao. ‘Yun nga raw ang himutok nila sa lumabas na sitsit sa isang aiport na wala raw ganoong insidente nangyari kay Jessy.

Gumawa lang daw ng kuwento ang isang basher at pinalabas na naroon ito sa airport nang sandaling ‘yun at nasaksihan daw nito ang pagtataray raw ni Jessy. Pero ang totoo ay wala siya roon at wala daw ganoong insidente.

Ayon pa sa kaibigan ni Jessy, naapektuhan daw noong una ang actress pero hindi naman daw ito nagpadala para masira ang araw. Pinagdiinan pa na matibay at malawak ang pang-unawa ni Jessy sa mundong ginagalawan. Kahit anong isyu raw ay kaya nitong i-handle.

ADVERTISING

Samantalang super happy si Jessy dahil magkakasama sila sa pelikula ni John Lloyd Cruz. Natupad na rin raw ang matagal na niyang pangarap na makasama ang actor na itunuturing niyang best actor.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING