Jessy Mendiola, halatang in love na rin kay Sam Milby

ADVERTISING

Jessy Mendiola, halatang in love na rin kay Sam Milby

NANG MAGHIWALAY ng landas ang dating mag-dyowang sina Jessy Mendiola at Matteo Giudicelli, biglang umeksena si Sam Milby na very vocal sa tunay niyang nararamdaman sa dalaga. Diretsong inamin ng actor na liligawan niya ang young star at ginawa naman niya. Dumadalaw raw ito sa bahay ni Jessy kapag walang taping schedule at kung minsan magkasama ang dalawa na kumakain sa labas with friends.

Jessy-Mendiola-Sam-Milby Jessy-Mendiola-Sam-MilbyKinikilig naman si Jessy sa special attention na ibinibigay sa kanya ni Sam. Kahit hindi sila magkasama, patuloy ang kanilang communication through cellphone (call & text), tsika sa amin ng production staff ng Maria Mercedes. Iba raw ang glow sa mga mata ngayon ng dalaga. Always on the go sa kanyang mga eksena, parang hindi napapagod. Halatang in love daw ito ngayon.

Inamin ni Jessy na seryoso ang ginagawang panliligaw sa kanya ni Sam. Halata namang type rin niya ang actor. Hindi nito i-entertain ang isang lalaki kung walang aasahan. Kinikilig nga si Jessy tuwing nagiging sentro ng usapan si Sam. Iba ang ngiti nito, makahulugan. Ibig kayang sabihin, nai-in love na siya sa hunk actor?

Sa maikling panahon ng pagiging malapit sa isa’t isa nina Jessy at Sam, unti-unti nilang nakikilala ang bawat isa. Ini-enjoy nila pareho ang friendship na mayroon sila sa ngayon. Pero teka, may nakarating sa aming balita na sila na ngayon. Ayaw pa lang ipagmakaingay dahil daw napakaaga pa para aminin nila ang tunay nilang relasyon. Ang importante raw, may understanding na sila. Bakit kailangan pang magpakipot si Jessy kung talagang type niyang maging boyfriend si Sam. Hindi na uso sa panahon ngayon ang arte-arte, go agad kung gusto ninyo ang isa’t isa. Tutal, kayo naman ang magpapatakbo ng inyong relasyon.

ADVERTISING

 

KUNG DEPRESS ngayon si ER Ejercito dahil sa lumabas na balitanng dinisqualify siya ng Comelec First Division at aalisin siya diumano sa puwesto bilang gobernador ng Laguna. Nakalulungkot ang 50th birthday niya sa pangyayaring ito. Pero napalitan ng saya ang lungkot na nararamdaman ng actor/politician nang pumasok ang pelikula niyang Boy Golden with KC Concepcion sa MMFF 2013.

Kahit magiging abala si ER sa pag-apela sa korte, tututukan pa rin niya ang kanyang pelikula, mula editing, dubbing, sounds, post production at theme song nito. Mas matindi raw ang mga action scenes dito ni ER sa BG kaysa sa Manila Kingpin. Nakagugulat raw ang kakaibang dance number na cha-cha at tango nina ER at KC, kaabang-abang. Napaka-sensual daw ng dalaga habang nagsasayaw.

Maugong ang balitang sina ER at Robin Padilla ang maglalaban for Best Actor sa darating na filmfest. Kakabugin yata si Binoe sa acting performance na ipakikita ng actor/politician sa kanyang pelikula na dinirek ng award-winning director Chito Roño.

 

SPEAKING OF KC Concepcion, pagdating sa kanyang lovelife, hindi na nagkukuwento ang dalaga sa kanyang Mommy Sharon Cuneta . Sinasarili na lang nito kahit may someone special sa buhay ngayon ng dalaga. May nagsabing non-showbiz ang boyfriend ni KC. Katuwiran nito, ayaw niyang masaktan ang Megastar kung sakaling palpak na naman ang lalaking mahal niya sa ngayon.

Kilala ni KC ang ina, hindi ito magsasawalang-kibo kung malalaman nitong nasasaktan at pinaiiyak nang kung sinumang lalaki ang panganay niyang anak. Palibhasa, all mine to give ‘yung ma-in love ang singer/actress. Wala siyang hindi gagawin in the name of love. Pinaglalaban ang mahal niya sa kahit sinumang taong gustong sirain ang kanilang relasyon.

Nakita ni Sharon kung paano iniyakan ni KC ang nangyari sa past relationship nito. Nalaman na lang niya sa ibang tao kasi ayaw ng dalagang maging emotional ang kanyang ina. Mabait at pasensiyosa ang actress/singer pero may hangganan ang lahat. Hindi puwedeng basta pabayaan na lang niya nasasaktan at umiiyak si KC. Hindi mo puwedeng awatin ang Megastar kapag nag-umpisa na itong maglitanya, humanda ka… ‘yun na.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING