Jessy Mendiola at Direk Wenn Deramas, nagkaayos na

ADVERTISING

Jessy Mendiola at Direk Wenn Deramas, nagkaayos na

Jessy-MendiolaUNEXPECTED ANG pagkikita nina Wenn Deramas at Jessy Mendiola Nasa mall si Direk Wenn para mag-shopping. Habang naglalakad siya sa hallway ng mall, may babaeng biglang tumatawag ng kanyang pangalan. Hindi niya kilala ang boses. Hindi niya ito pinansin, deadma lang si Direk baka kung sino lang ‘yun. Surprisingly, hinabol talaga si Direk Wenn at nang lapitan siya nito, si Jessy pala ang babaeng ‘yun.

ADVERTISING

Nagka-issue sina Direk Wenn at Jessy nang mag-no comment ang dalaga kung gusto niyang makatrabaho ang box-office director. Ikinuwento ni Direk Wenn na nagbigay-galang muna raw sa kanya si Jessy bago ipinaliwanag ang issue tungkol sa kanilang dalawa. Nag-flashback pa nga raw ang actress sa mga naitulong ni Direk Wenn sa kanya.

Itinanggi ni Jessy kay Direk Wenn na may sinabi siyang ‘no comment’ nang banggitin ng reporter ang pangalan ng director na puwede niyang makatrabaho in the near future. Say ni Wenn D, “Hindi na mahalaga kung nagsasabi siya ng totoo o hindi. Ang importante nag-effort siyang lapitan ako at kausapin para magpaliwanag. Happy na ako du’n, okay na kami ni Jessy Mendiola.”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING
ADVERTISING